“Lovers that fight in a battle together, win together. But sometimes in a battle it will give you a moment of fear while witnessing something extraordinary danger scene that involves the one you love.” MS. R.A Chapter 29 Sa mahaba at madilim na kalsada ng Fukuoka highway papuntang Hiroshima port kung saan tatlong minuto lang at makakarating na sila dito ay abala naman si Ayane sa maliit nyang tracker computer na dinala nya upang I track ang sasakyan na dala ng mga kalaban na hahabulin nila. Mabuti nalang at nakita ng isa sa tauhan nila ang plate number ng kotse na dala ng kalaban nila kaya hindi sila mahihirapan malaman kung nasaan na ang mga ito. Magkasama sa kotse ni Ayane sina Demon na nagmamaneho at habang nasa back seat si Paxton at tinitingnan ang baril na ibinigay ni Ayane

