Chapter 42 “Hey Hey Hey! Looks who’s here, the new member of Team Uno. Excited na akong makatrabaho ka Mondragon.” Pagdating nina Ayane at Demon sa paliparan kung nasaan ang private plane na inasikaso ni Valdemor ay nadatnan nila si Hale na prenteng nakaupo na nakataas pa ang paanan na parang hinihintay talaga ang pagdating nila. Dahil nga buntis si Samara ay hindi pinayagan ni Ayane na sumama muna ito sa mga lakad nila. “Sabi ko naman sayo Santileces, hintayin mo lang matapos ang kasal namin magkakasawaan tayo ng mukha.” Ngising pahayag ni Demon na ikinatayo ni Hale sa kinatatayuan nito at nilapitan sina Ayane. “Congrats sa inyo, ganda ng paregalo ni Valdemor sa inyo ah. Unang misyon ng bagong kasal.” Sambit ni Hale na bahagyang ikina-ungos ni Demon “Loveless ba ang

