Chapter 40 “Oi Mondragon II, alam kong excited ka sa kasal mo bukas pero hindi yata maganda na narito ka sa pamamahay na’to at pinupuyat ang isa sa best man mo. Dinamay mo pa si Hachiro sa gabing pagtambay mo dito sa knight’s mansion.” Nakasimangot na isinandal ni Demon ang likuran nya sa kinauupuan nya at hindi nalang pinansin ang pagrereklamo ni Mikael sa pang-iistorbo nya kay LAY. Matapos ang araw ng pamamanhikan ni Demon ay talagang inasikaso nya na ang kasal nila ni Ayane, tinulungan sya ng kanyang ina at ama sa pag-aayos at ganun din ang mga magulang nina Ayane. Gusto sana nilang dalawa na simple lang pero hindi pumayag ang ama ni Ayane kaya todotodong pag-aasikaso ang ginawa ni Demon upang maibigay ang pinaka magandang kasal kay Ayane. Isang linggo at apat na araw din sy

