Chapter 52 “Masama ‘to Demon, naka banned ka sa kahit anong airport sa Japan. Binigyan sila ng abiso ng Japan Airlines na huwag silang magpapasakay ng pasahero na may pangalang Denver Mondragon. Mukhang siniguro ng Uncle ni Ayane na hindi ka makakapunta sa kanila.” “Damn it!” Napakuyom ang kamao ni Demon sa galit dahil sa planong nagawa ng Uncle ni Ayane upang hindi nya mapuntahan ang asawa. Akala niya nagkaroon lang ng error kung bakit hindi sya tinatanggap sa airport pero napaghandaan na pala sya ng kalaban nila na hindi maiwasang ikagalit ni Demon sa sarili. “Sh*t! Kung mas pinili ko nalang na hindi umalis sa tabi ni Ayane sana hindi nangyayari ‘to. Kung mas pinili ko sya kaysa sa sar—“ hindi natapos ni Demon ang sasabihin niya ng mapalingon sya kay Lu na bahagyang

