Chapter 55 Sa isang malawak na Park, ang Showa Kinen Koen sa Tokyo Japan ay may isang magandang batang babae na may pangalan na Ayane ang nalayo sa kanyang mga magulang habang tinatakbo niya ang Park. Dahil sa tuwa na nararamdaman niya dahil ipinasyal siya ng kanyang mga magulang ay hindi niya napansin na napahiwalay na siya sa mga ito na imbis na umiyak ay naglalakad nalang siya sa kung saan siya nanggaling upang makasalubong ang kanyang mga magulang. Walong edad palang si Ayane pero kung mag-isip ito ay may pagka-matured na dahil sa training na binibigay ng kanyang ama dahil sa resposibilidad na maipapasa sa kanya sa pagtuntong niya sa tamang edad. Hindi siya lumalapit sa mga taong nakakasalubong niya upang humingi ng tulong bagkus ay kalmado lang ito sa paglalakad niya na pa

