HEAVEN “Mga bata, kumain lang kayo ng kumain ha. Bigay ‘yan sa inyo ni ate Heaven.” Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang binibigay ang mga pagkain sa mga bata na pumunta sa program na ginawa ko. Mga bata sila na nagpapagala-gala na lang sa lansangan upang mamalimos. Yes. May ginawa akong program para sa mga batang nasa lansangan lang. S’yempre, masaya talaga sa pakiramdam kapag tumutulong, pero nakakainis pa ring isipin na mayroong mga batang ganito dahil sa maling pamamalakad ng aming gobyerno. Isa ang gobyerno sa mga dahilan kung bakit maraming mamamayan ang naghihirap at dahil doon, maraming mga tao ang kumakapit sa patalim. Pumapatay sila ng tao para sundin ang utos ng nakakataas, nagnanakaw sila para makabili ng mga pangangailangan at pagkain para sa pamilya nila. Kaya nam

