"Salamat sa libre," sabi ko kay Zeshue nang makalabas na kami ng sa restaurant. "May gagawin ka pa ba sa university?" Nilingon ko s'ya at nakitang nakapamulsa s'ya habang nakatingin sa kalsada, "Hmm, uuwi na siguro ako." Wala naman silang sinabi na babalik sila mamaya. Mi-message ko na lang si Honey. Bago ko pa man makuha ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon, nagsalita si Zeshue na ipinagtaka ko. "Anong meron sa inyo ni Celeste?" "Sinong Celeste?" Nilingon n'ya ako at tamad na nagsalita, "Iyong mukhang pasayan." "Ba't ang init ng ulo mo sa kan'ya?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya saka umiwas ng tingin, "Magkalaban na kami, dati pa." "What do you mean?" Binalik n'ya ang tingin n'ya sa 'kin, "Isa s'yang kontrabidang pasayan sa lahat ng bagay na may kinalaman ako.

