HINDI pinaandar ni Louie ang kotse at nandoon lang sila sa loob habang nakaparada sa parking ang sasakyan nito. Napabuntonghininga si Giana at pinunasan ang mga luhang nasa mata. Inaantay na lang niyang magsalita muli si Louie at sabihin ang lahat nang gusto nitong sabihin bago siya magsalita. “May plano ka pa rin bang makipaghiwalay sa akin? Akala ko, ay ayos na tayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Louie sa kaniya at bakas ang sakit mula sa mukha nito. “Wala naman akong sinabi sa’yo, na hindi ko itutuloy ang pakikipag-annul ng kasal natin, ‘di ba?” balik na tanong niya sa sawa. “We make love and you told me you love me, ano iyong joke lang lahat sa’yo? Pinapaasa mo lang ako para sa huli ay masaktan mo ako ulit?” masama ang loob na tanong ni Louie sa kaniya. “Louie, hindi mo ba naisip

