NANGINGINIG na ang mga paa ni Giana na nakatapak sa sahig habang ang kalahating katawan at nakahiga sa lamesa at ang dalawang kamay ay nakakadena sa magkabilang gilid ng hinihigaang mesa. Masakit ang dulot ng malakas na paghampas ni Louie sa pang-upo niya ng sinturon at pati ang mga binti niya ay nahahampas nito. Umiiyak at nagmamakaawa siya sa asawa subalit bingi na ito at nagpatuloy sa paghampas sa kaniya ng sinturon ng dalawanpung beses at matapos niyon ay tumigil na si Louie at hindi niya maramdaman na gumalaw ito sa kinatatayuan. “T-tama na, please,” umiiyak na sabi niya at wala pa ring tigil ang mga luha niya. Naramdaman ni Giana na gumalaw si Louie kaya napapikit siya. Akala niya papaluin na naman siya ng sinturon nito pero lumapit lang ito saka tinanggal ang kamay niyang nakakade

