ABALA na muli si Louie sa trabaho pero kahit naman may ginagawang trabaho at pumapasok na siya ay palagi naman niyang kinukumusta ang asawa sa mga kasambahay at tumatawag kay Belen para sabihin sa kaniya ang mga ginagawa ng asawa. Wala namang problema na ibinalita sa kaniya si Belen pagdating sa asawa at ang sabi nito ay balik normal na raw ang asawa na masayang nakikipag-usap kay Juana o hindi kaya sa kanilang mga kasambahay kaya kahit paano ay nakakahinga siya nang maluwang. Hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa dahil tulog pa si Giana kapag umalis siya ng bahay at pag-uwi naman niya dahil gabi na ay tulog na rin ito at pagod na rin siya kaya matapos magpalit ng damit pantulog ay tumatabi na sa asawa para matulog na rin. Ngayong araw ay nasa opisina siya at katatapos lang ng meetin

