Chapter 2

1220 Words
“NAAKSIDENTE ako dahil nagmamaneho ako ng sasakyan?” tanong ni Giana sa isip at hindi makapaniwala sa sinabi ni Sabrina na dahilan ng pagkakaaksidente niya. Paanong nangyaring nagmamaneho siya samantalang hindi naman siya marunong magmaneho ng ano mang sasakyan at wala ring lisensiya? Isa pa, anong sinasabi ni Sabrina na sasakyan daw niya? Walang sasakyan ang pamilya nila at wala rin silang pambili kaya paano siya magkakaroon ng sasakyan? Lahat ng iyon ay katanungan sa isip ni Giana na hindi rin naman niya masagot at lalo lang gumugulo sa isip niya. “W-wala akong kotse at kahit ang mga magulang ko ay hindi pa nakakabili ng kotse kaya paanong nangyaring naaksidente ako dahil nagmamaneho ako ng sasakyan na pag-aari ko pa?” tanong na niya sa dalawang babae. Nagtataka namang nagkatinginan si Sabrina at ang ginang na kasama niya ngayon sa kuwarto. “S-saka nasaan ba sina Mama, Papa at mga kapatid ko? Bakit kayo ang mga nandito?” tanong niya ulit. “Hindi kayo ang kailangan ko ngayon dito kundi ang pamilya ko!” napalakas na ang boses na dagdag niya dahil na rin sa mga gumugulo sa utak niya. “Ang yabang mo naman! Mabuti nga at pinag-aksayahan ka namin ng oras na bantayan at alagaan tapos ganiyan mo pa kami pagsalitaan!” iritado ng tugon ni Sabrina. “Tingin ko ay maayos naman na ang kalagayan ko kaya uuwi na ako. B-baka hindi alam ng pamilya ko na naaksidente ako kaya wala sila ngayon sa tabi ko,” aniya. Pinakiramdaman niya ang katawan at kahit nanghihina pa ay naigalaw naman niya nang lubusan ang paa at ganoon na rin ang kamay kaya nakatapak na siya sa sahig at inalalayan ang sarili na makatayo nang maayos. Nilapitan siya kaagad ng ginang at may pag-aalala sa emosyon ng mukha nito. “Giana, hindi ka pa masiyadong magaling at kailangan mo pang magpahinga,” kaagad na sabi ng ginang. “Kailangan ko nang umuwi.Tiyak, nag-aalala na pamilya ko—“ “Parating na si Louie. Antayin mo na lang siya,” putol ng ginang sa sasabihin sana niya. “Sino namang Louie iyon? Bakit ba kung sino-sino na lang nag-aalaga sa akin?” inis na niyang tanong sa ginang. Ngayon ay matatag nang nakatapak ang paa niya sa sahig at dahan-dahan niya iyong ginalaw na napagtagumpayan naman niya. Mukhang bumabalik na sa normal ang katawan niya at kakayanin na niyang lumakad. “Are you serious, Ate Giana? You don’t know who Kuya Louie is?” hindi makapaniwalang tanong ni Sabrina sa kaniya. “You’re weird!” bulalas pa nito. “Giana, Louie is your husband. Hindi mo ba siya natatandaan?” tanong na rin ng ginang sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya. “A-anong husband?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Wala pa akong asawa!” Lalo lang ginugulo ng mga ito ang utak niya dahil sa kung anu-anong sinasabi sa kaniya kaya nang tuluyan nang mabawi ang lakas ng paa ay naglakad na siya at patungo siya sa pinto pero kaagad siyang hinarangan ni Sabrina at nilapitan naman siya ng ginang saka hinawakan ang braso niya. “Hindi ka puwedeng umalis. Antayin mo na lang muna si Louie—” “Bakit ko siya aantayin, eh, hindi ko naman siya kilala?” iritableng tanong niya. “Nababaliw ka na yata, Ate Giana, eh! Asawa mo hindi mo kilala!” inis nang sigaw sa kaniya ni Sabrina. Masama na lang tinignan ni Giana si Sabrina at inalis ang kamay ng ginang na nasa braso niya saka nagtangka muling umalis pero hindi naman umalis si Sabrina sa pagkakaharang nito sa pinto at sa tuwing lalakad siya ay haharang ito kung saan siya patungo. Matalim na tinitigan niya si Sabrina at nakipaglabanan pa ito sa kaniya ng tingin sa kaniya. “Umalis ka diyan!” galit na utos niya pero nagtaas lang ito ng noo. “Gusto mo bang basagin ko iyang mukha mo bago ka umalis diyan?” banta na niya kay Sabrina at nakita niyang biglang nagulat ito sa sinabi niya. Mahilig siyang makipagbasag-ulo noong high school siya at marami na siyang nakaaway na talagang umabot sa sakitan at basagan ng mukha kaya hindi siya mangingiming gawin iyon kay Sabrina kung hindi talaga siya nito padadaanin. “Giana, huminahon ka naman,” pakiusapsa kaniya ng ginang. “Pabayaan n’yo na kasi akong umuwi!” galit na sigaw niya. Napaatras naman si Sabrina at tinulak na niya ito para maalis sa pagkakaharang sa pinto at kaagad na binuksan niya ang pinto at nagmamadaling lumabas. “Nurse, tulong!” sigaw ni Sabrina. “Ang pasyenteng iyan nawawala na sa sarili at gustong tumakas!” Tinuro pa siya ni Sabrina at halos lahat ng nurse na naglalakad at ang ibang doktor ay nakuha na ang pansin. Dahil sa taranta ay binilisan na niya ang paglalakad. Mabuti na lang talaga ay nakuha na niya ang lakas niya at pagliko niya ay tanaw na kaagad ang exit ng ospital kaya mas nagmadali siyang lumakad upang makalabas ng pinto. Nasa unang palapag lang pala ng building ang kuwarto niya kaya madali ring kaagad na makaalis at uuwi siya sa bahay nila. Kailangan niya ang pamilya na mapagtatanungan niya kung anong nangyari sa kaniya at kung bakit wala ang mga ito sa paggising. Lalabas nasana siya nang tuluyan ng ospital nang harangan siya ng dalawang guard at kaagad na hinawakan siya sa braso para pigilan nang tuluyan. “Bitiwan n’yo ako!” sigaw niya at nagpapalag pero hindi siya pinakingganng mga ito. “Ma’am, pasensiya na po pero itinawag na po kayo sa amin na bawal kayong lumabas dahil hindi pa kayo tuluyang magaling,” tugon ng isang guard. “Giana!” sigaw sa pangalan niya at ang ginang iyon na kasama niya sa kuwarto kanina. Lumapit ang nurse at isang doktorsa kaniya at ang lalaki nurse ay hinawakan din siya sa braso. “Bitiwan n’yo ako, ano ba? Uuwi ako sa amin!” sigaw niya at patuloy na nagpapalag. “Doc, bakit siya nagkakaganiyan? Kahapon nang nagising siya sabi n’yo po ay maayos na ang kalagayan niya?” tanong ng ginang sadoktor. “Maaring trauma iyan ng naging brain injury niya. Maayos naman na po talaga siya subalit maaring naapektuhan ng aksidente at pagkaka-coma niya ang utak niya kaya ganiyan siya ngayon umakto,” paliwanag ng doktor. “H-hindi ako nababaliw! Bitiwan n’yo ako!” galit niyang sigaw. “Mrs. Montevasco, huminahon lang po kayo,” sabi ng doktor sa kaniya at may kinuha ito sa bulsa ng coat nito at isang syringe iyon na tinanggalan ng takip at may lumabas pa na likido sa karayom nang may hinila ito sa ilalim ng syringe. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapit ito at hawakan ang braso niya. “A-ano iyan?” naghihistirikalna tanong niya sa doktor. “Pangpakalma lang po ito kaya huwag kayong mag-alala,” tugon nito. “Ayoko niyan! Huwag mo iturok—Ahh!” sigaw niya nang tuluyan nang iturok ng doktor ang karayom sa braso niya. “What the hell’s happening here?” Napaangat ang ulo ni Giana sa nagsalitang iyon na ngayon ay nasa harapan na niya. “Have I missed something?” dagdag na tanong nito. “Louie, anak!” tawag ng ginang sa lalaking nasa harap niya ngayon. Siya si Louie?” bulalas ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD