TANGHALI na nang magising si Giana at pagmulat ng mga mata niya ay wala na sa tabi niya si Louie, kahit pa sa paligid ng kwarto, ay wala na ito dahilan para makadama siya nang kalungkutan. Talagang tuluyang umalis si Louie at iniwanan si Giana para unahin ang trabaho at kahit pumayag na siya kagabi sa gusto nito, ay hindi pa rin mapigilan ni Giana, na makadama ng kalungkutan. Hindi na kagaya noon si Louie, na sinusunod siya kapag sinabi niyang huwag umalis o huwag gawin nito ang ayaw niya noong magnobyo pa lang sila at maayos pa ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Nagagawa na talaga siyang tikisin ni Louie, na ikinalulungkot niya pero pakiramdam naman niya ay karapat-dapat sa kaniya iyon sa dami nang ginawa niyang kasalanan at pananakit sa asawa. Kahit naman si Louie, ay nakaranas nang

