NAGISING si Louie na wala sa tabi si Giana kaya tumayo siya at kaagad na hinanap ang asawa subalit napagtanto niyang wala sa buong hotel room ang asawa niya dahilan para makadama siya ng pag-aalala at nagpalit ng damit upang lumabas at hanapin ang asawa subalit paglabas niya ng kwarto siyang pasok naman ni Giana sa pinto at galing ito sa labas saka may dalang plastic ng grocery. “Good morning, bo,” nakangiting bati ni Giana sa kaniya. “Where have you been? Why are you leaving all of a sudden without even telling me?” seryosong tanong niya. Nagulat na napatingin si Giana sa kaniya at sa pagkakatitig nito sa kaniya ay unti-unting nagbago ang emosyon ng mukha niya at mukhang natakot. “B-bumili lang ako ng iluluto ko sanang breakfast, lunch at dinner natin,” tugon ni Giana. Inis na napabu

