HINDI na muling naglandas ang daan ni Giana at ng dati niyang kaibigan na si Bonila kahit ilang beses siyang bumalik sa pinagbibilhan niya ng barbecue ay hindi na niya muli itong nakita. Naisip din ni Giana na marahil ay natakot na si Bonila na awayin muli si Arealli dahil kilalang-kilala naman siya nito at alam nito kung gaano siya katapang at magalit sa tuwing may nang-aaway sa mga kapatid niya. Gusto talaga niyang pagsabihan si Bonila dahil hindi niya matanggap ang mga sinabi nit okay Arealli subalit alam din niyang magagalit na naman ang kapatid kapag nakealam na naman siya rito kaya kahit halos araw-araw niyang nakikita ito sa bahay dahil doon na siya halos tumatambay ng buong maghapon ay hindi na lang niya ito masiyadong pinapakealaman pero kinakausap niya minsan at hindi rin naman

