(Ace PoV)
Nandito na kami sa harap ng bahay nila nerd...
Speaking of nerd....tulog parin sya,Ganito ba talaga ang mga babae kapag Red Day nila?
Gigisingin ko na ba?
Ang sarap kasi ng tulog nya sa balikat ko..
"Hmm...nasan na tayo?"-Nerd
Hayy salamat gising na sya...Kanina pa nangangalay yung balikat ko...
"Kanina pa,Tsk Tulog mantika"
"Edi dapat ginising moko diba!"-nerd
Galit nanaman sya!.
Sinundan ko sya hanggang sa harap ng pinto...
"Oh nandito na pala kayo,Tuloy"-Mama ay este Tita pala
Bakit? Mama dapat talaga itawag ko diba?
Dahil balang araw papakasalan ko ang babaeng toh! SI NERD AH HINDI SI TITA..
"Brat! Ano? Dyan ka matutulog sa labas?"-nerd
"H-hinde"
"Edi pumasok kana"-nerd
"Bakit ba? Para kang kumukulong mantika"
Alam kong dahil sa sitwasyon nya kaya ang init lagi ng ulo neto.
Pero naiinis ako parang ako ata yung may red day!.
Jwk lang..
"Tsk,pasok na"-nerd
"Good evening po"
"Good evening rin iho,kumain naba kayo?"-Tita
"A-ang totoo h-hindi pa po eh"
Totoo naman si nerd hindi man lang ako binigyan ng chocolate..
Buti nga binilhan ko pa sya..
"Mama ano po ulam?"-nerd
"Adobo anak"-Tita
"Brat kain tayo,masarap toh"-nerd
Adobo? Putek! Di ko alam yun..
Steak lang alam kong kainin..
"A-adobo? Masarap ba yun?"
"Luh? Dimo alam yun? Iba talaga pag mga rich kid"-Nerd
"Scarlet! Wag kang ganyan sa bisita"-tita
Buti nga!
"Tot-- sorry tikman mo para malaman mo"-nerd
Umupo na ko at kumuha ng kanin at inilagay sa pinggan ko..
"Oh masarap yan"-nerd
Sabi niya habang nilalagyan ng ulam sa pinggan ko..
Sweet!
Kumain nako at ng matikman ko ang adobo..
"ANG SARAP!"
"AYY! Brat! Bakit kaba nanggugulat?"-nerd
Napalakas ata sigaw ko...
"S-sorry ang sarap kasi"
N-nag sorry ba ko?
(A: oo)
Tsk ewan ko sayo...
"Alam kong masarap,pero wag ka namang sumigaw"-nerd
"Vio.."-tita
"Sorry ulit,bilisan mo na dyan brat ipapakita ko na sayo yung kwarto mo"-nerd
"S-sige"
Kumain na kami at para akong bata na ngayon lang nakakain ng adobo...
Oo ngayon lang talaga ako nakakain ng adobo..
Pang restaurant kasi yung mga hinahanda sa mansion..
Pag katapos kumain tinuro na sakin ni nerd kung nasaan ang kwarto ko..
Hmm..ayos na rin medyo malaki namn..
Ordinary house ang bahay nila nerd..
Ayos narin..malawak ang loob maganda rin ang interiors..
May 2nd floor rin sila..Mini Kitchen and may shower..
Kaya sakto lang talaga sa kanila etoh...
Natulog na ako dahil may pasok pako bukas..
••••••°°°°°°°°•••••••°°°°°°°•••••°°°°•••°°°••°°
~TOMORROW~
*Kring kring kring* alarm clock po yan....
"Hmm ano ba namn yan!"
"Hoy!! Brat gumising kana dyan handa na almusal!patayin mo na yang lintek na Alarm Clock mo rinig na rinig sa baba!"- Nerd habang kumakatok
"Oo na!"
Pinatay ko na ang alarm clock...at naligo ng mabilis..
Nagbihis na ako ng uniform at bumaba...
"Iho upo na kain na tayo"-Tita
Ngayon ko lang nasabi na ang swerte ni nerd..
Kumpleto ang pamilya nya..Lagi nyang kasama... Pinaglulutuan sya ng mama nya...Sabay sabay sila kumain..
Pero yung papa nya ewan ko kung nasaan
Ako?...Wala ni isa don sa mga sinabi ko..
Si Mom wala na kapiling na ni Lord..
Si dad? Laging busy sa work nya..
Kahapon lang kami nag kasabay kumain,kung hindi dahil kay nerd hindi ko sya makakasabay kumain..
* * * * * * * * * * * * * *
A few minutes tapos na kami kumain nag toothbrush na rin ako..
"Brat tara na"-nerd
Ngayon parang good mood si nerd..
Dahil sa tono palang ng boses nya..
"Nasan na ba yun.."
"Yung ano?"-nerd
"Yung kotse"
"Ah hahahaha hindi tayo mag kokotse"-nerd
"A-ano bakit? Pero pano tayo makakapunta sa school?"
"Tsk..anong silbi ng trycicle? Hahaha tara na nga"-nerd
Trycicle? Hindi ako sanay don..
Pero gusto kong i try..
"Manong bayad po"-nerd
"Saan po maam?"-manong
"Sa school po kuya"-nerd
"Nerd bayad ko oh"
"Wag na binayaran ko na,bilhan mo nalng ako ng chocolate mamaya"-,nerd
"Chocolate? At bakit namn kita bibilhan non? Ano mo ko utusan?"
"Hindi pero sa bahay ko ikaw nakatira..Isang linggo wala si mama sa bahay kaya ako ang incharge,kaya lahat ng gusto ko susundin mo"-nerd
Ano?! Isang Ace Jasper Enriquez susunod sa babaeng nerd na toh?
Hindi ako papayag!.
(Vio PoV)
WAHAHAHAHA simula na ngayon!
"Ako? Susunod sayo? No way!"-brat
Abat sinisigawan ako neto!
"Hoy! Subukan mong hindi sundin ang mga gusto ko,Hindi mo ulit matitikman ang adobo ni mama"
"H-ha? Pero ako ang boss mo sa kumpanya!"-brat
"Sinabi ni tito,hindi daw tayo papasok ng dalawang buwan! Pero yung pera hehehe tuloy parin!"
Hmm unlimited money!
WAHAHAHAHA...
"Tsk mukang pera ka talaga! Palibhasa lumaki ka sa hirap"-brati
Iniinsulto nya ba ko?
Kaming mahihirap?
"Sige lang ituloy mo ang pang aasar,Lagot ka sakin"
"A-anong lagot? Di ako natatakot sayo noh"-brat
"Sa ngayon hindi,pero pag pumatol ako sayo baka bigla ka nalang umiyak at mag sumbong kay tito Hahahah"
"Hindi ako katulad mo!"-brat
"Malamang hahaha"
Hahahaha!
SIGE LANG MANGINIS KAPA BRAT!
LAGOT KA SAKIN!
WAHAHAHAHHA?