[3]

1955 Words
Paasa. Paasa ka, Charles Aldridge. Akala ko pa naman, pagkatapos ng drama mo kahapon na 'don't give up on me', magbabago na ang pakikitungo mo sa akin. Paasa ka talaga. "Good morning Charles!" bati ko nung nakita ko siya ngayong umaga. Malaki ang ngisi ko habang nakatingin ako sa kan'ya, hinihintay kong batiin niya ako pabalik. Pero hindi niya man lang ako pinasadahan ng tingin. Agad akong nangalumbaba pagkatapos no'n.  "Grabe, hindi mo pa rin siya tinitigilan, Kiss?" Napatingin ako sa nag-iisang kaklase ko sa loob ng classroom. Maaga kasi akong dumating dahil nga sabay kami ni Charles. Pero iba talaga kapag dito ko siya sa classroom binabati. Sa ngayon, isa lang ang nakakita sa akin na batiin siya.  "Hindi eh," sabi ko at ngumiti ng hilaw. Bakit ba siya nangingialam? Paki niya ba kung binabati ko lang naman si Charles? Bakit, ano bang mangyayari sa kan'ya kung babatiin ko si Charles? Wala 'di ba?  "Desidido ka talaga 'no? Ano ba ang kinukuhanan mo ng lakas para gawin 'tong mga bagay na 'to para sa kan'ya?" tanong niya na para bang close friend ko siya. Wala akong ka-close maliban na lamang kay Ruby at kay Charles. Bakit ba feeling close 'tong babaeng 'to? "Bakit kaialngan kong sabihin sa'yo?" pagtataray ko.  "Grabe ka naman. Parang 'di naman tayo magkaklase. Ano ba kasi? Love na ba 'yang nararamdaman mo?" Nairita ako sa pang-aasar niya at dahil na rin sa matinis niyang boses.  "Pwede ba?" Tumayo na ako mula sa upuan ko at nag-walk out. Narinig ko pa ang pahabol niya bago ako makalabas ng pintuan, "Kaya pala walang lumalapit doon. Masungit."  Sa left side ng eskwelahan ako dumiretso dahil dito madalas tumambay ang mga estudyante. Pagkakita ko sa walang kabuhay-buhay na garden ay may naalala ako. Simula elementary, dito na ako sa eskwelahan na ito nag-aral. Matagal-tagal na rin pala. Pagdating ko ng college, mag-iiba na ako ng eskwelahan, at posible ring sa iba mag-aaral si Charles.  Hanggang kailan ko kaya siya kayang habulin? Hanggang kailan ko kaya siya susundan? Hanggang kailan kaya ako magpapapansin sa kan'ya? Nakita ko ang puno kung saan kami unang nag-usap ni Charles. 'Yun 'yong time na hindi pa ako adopted at first time kong nakilala si Charles. Umaakyat kasi ako ng puno noon. Marunong ako since lumaki ako sa bahay-ampunan, eh mga wild pa naman 'yung mga bata doon. Pati ata fence naaakyat nila eh. Tinawag niya ako nung nakita niya akong matutulog sana sa sanga. Hawak na niya 'yung backpack niya no'n. Uwian ata namin nun. Pinapababa niya ako. Baka daw mahulog ako. Sweet diba? Ako pa talaga ang iniisip niya. Pero nagkatotoo nga, nahulog ako mula sa puno. Nahulog ako sa kan'ya. Sinalo niya ako kaya parehas kaming nahulog.  Napabungisngis na lang ako habang inaalala 'yun. Tagal na rin pala.  Nakita ko 'yung puno. "Ikaw," turo ko sa puno, "Saksi ka sa unang pagkakakilala namin ni Charles. At sisiguraduhin kong ikaw rin ang saksi sa happy ending namin." Ngumisi ako at napatawa na lamang. "Hala, baliw. Kinakausap 'yung puno." May narinig akong boses malapit sa akin. Hinanap ko 'yung boses pero 'di ko nakita. "Dito sa taas. Bulag," narinig kong humagikgik pa siya kaya inis na ako noong tumingin ako sa itaas ng puno. Nagtaka ako kasi wala namang akong nakita sa mga sanga ng puno. Niloloko ba ako nito? Narinig ko na naman ang tawa niya at nakita ko siya sa likuran ng puno. Malaki kasi ang puno, kailangan ng tatlong tao para mayakap mo ito ng buong-buo. Kaya 'di na ako nagtaka nung 'di ko siya nakita kanina. "Sa tingin mo ba kaya kong umakyat ng puno?" Tumawa na naman siya. "'Di ka marunong? Grabe, daig pa kita. Buti pa ako marunong," pagmamayabang ko. Kainis siya. Sino bang pinagtatawanan niya? Ako? Para bang inaasahan na niya na dapat alam kong 'di siya marunong umakyat.  Mukhang gulat naman siya nang narinig 'yon. "Ikaw? Weh? Babae ka ah!" sabi niya.  "Bakit? May nagsabi bang bawal umakyat ng puno 'pag babae?"  Hindi siya nakasagot kaya mas lumawak ang ngiti ko. Ngiting tagumpay 'to beybeh. Paalis na sana ako kaso narinig ko siyang tumayo. Paglingon ko, nagulat ako kasi sinusubukan niyang akyatin 'yung puno. Agad akong lumapit. "Hoy! Ano bang pinapatunayan mo?" asar kong tanong sa kan'ya.  "Na kung kaya mo, kaya ko rin," kalmado niyang sagot. Dahan-dahan siyang umakyat ng puno, nag-iingat dahil baka maling galaw niya lang ay mahulog na siya. Mataas rin pala ego ng lalaking 'to. Ayaw magpatalo.  Napangiwi na lang ako nang nakita kong nadulas ang isa niyang paa.. at tuluyan na siyang bumagsak. Pero hindi lang siya bumagsak sa sahig, bumagsak siya sa akin! "Aray ko! Umalis ka nga! Ambigat mo!" angal ko dahil nadaganan na niya ako.  "Arte mo. Kung ikaw kaya ang mahulog sa puno?" iritado niyang sabi at umalis na sa akin. Inaasahan kong tutulungan niya ako patayo pero bigla na lang siyang naglakad palayo ng walang pasabi.  "Panget!" sigaw ko. Kainis. "Sino ba may sabing pogi ako?" sagot niya kahit nakatalikod. Sana 'di ko na 'yan makita ulit. Sarap manapak eh. Kinuha ko na ang bag ko at tuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng school kaso may nakabanggaan ako. "Watch where you--" Napatigil siya sa pagsasalita nang nakita ako.  "Charles." "K-kiss.."  Sabay naming sabi. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tinalikuran na ako. Teka, bakit siya palabas ng school? Eh magsisimula na ang klase ah? 'Wag mong sabihing.. Tumakbo ako para magkasabay kami sa paglalakad. "Charles! Sinusundo mo ba ako?" masayang tanong ko. Hinahanap niya kaya ako kanina kaya siya lumabas ng classroom para tignan kung nasa'n na 'ko? Omygee.  "In your dreams," masungit niyang sabi. Pero napangisi na lang ako. "No need to deny it. Huli ka na sa akto," I said happily at nilagpasan na siya. This day could be okay afterall. *** Basketball game. Kasali si Charles? Syempre oo. Kaya nga mas marami ang nagkakagusto sa kan'ya eh. 'Di lang siya marunong mag-basketball, also soccer and he also knows how to play the piano! "Tara! Let's cheer for him!" aya ko kay Ruby. Ayaw talaga ni Ruby pumunta since gusto na niyang umuwi. Pero ayoko namang mamiss niya kung gaano kagaling mag-basketball ang isang Charles Aldridge.  "Ate.. ayoko talaga. Please, next time na lang?" Hindi naman ako makatanggi kay Ruby kaya hinayaan ko na lang siyang umuwi. OKay lang naman kung ako lang mag-isa ang manonood. Walang problema.  Magugustuhan ko sana ang basketball practice ni Charles, kung wala lang epal na dumating.  "Oh, ikaw na naman? Tadhana nga naman oh," ngumisi pa siya sa akin nang nakita niya ako. Sumimangot ako agad at hindi na lang siya pinansin.  Patapos na 'yung game kaya unti-unting nagsisialisan 'yung mga girls. "Paabot naman nung towel at tubig oh," utos niya at tumabi sa akin. Gusto ko sana mang-irap pero 'di ako marunong eh. Kung sakaling alam ko, siguradong pagkakita ko pa lang sa kan'ya, nairapan ko na siya ng todong-todo.  "Dali na. Pagod na ako eh." At dahil mabait naman akong tao, ginawa ko ang gusto niya. Iniabot ko ang towel at tubig sa kan'ya kaso may utos na naman siya. "Punasan mo naman ako. Ang sakit ng braso ko eh," angal niya. "Aba, sumusobra ka na ah. Abuso ka! 'Di naman tayo magkakilala, pero kung makautos ka diyan!" Kumunot ang noo ko at ibinaba na lang ang tubig at towel sa tabi niya. Nagmakaawa pa siya sa akin pero hindi ko sinunod ang gusto niya. Isa pa 'tong feeling close eh. Napatayo ako nang nakita ko si Charles na lumabas galing shower room, fresh and clean. Umalis na ako sa company nung lalaking 'yon at agad na sinamahan si Charles. "Nauna ng umuwi si Ruby, Charles. Hatid mo na lang ako pauwi," sabi ko at nginitian siya. Tumango na lang siya kaso 'di pa rin siya tumitingin sa akin.  "Uuwi ka na?" Narinig ko ang boses ng lalaki sa likuran ko. Hinarap ko siya at tinaasan ko ng kilay. "Kakarinig mo lang 'di ba?"  Napatingin sa'kin 'yung lalaki at bigla siyang tumawa. "Not you, sweetie. Si Charles ang kinakausap ko." Nanlaki ang mata ko at yumuko na lang. Boom pahiya! First time. Nakakahiya. Hindi pala ako ang kinakausap niya, pero nag-feeling naman ako na ako 'yun, ayan tuloy.  "Yeah," maikling sagot ni Charles. "'Di ba may pupuntahan ka pa? Magre-research ka pa sa libraries about sa report mo." Parang doon lang natandaan ni Charles na may gagawin pala siya nung binanggit na ng lalaki. Nakita kong lumawak ang ngiti ng lalaki. "Damn. I forgot," rinig kong sabi niya. "Uhh, okay lang. Ako na lang uuwi mag-isa," sabi ko kay Charles. Tumingin lang siya sa akin.  "I volunteer. Hahatid ko na lang siya. You can go ahead Charles. Tatanungin ko na lang sa kan'ya ang pupuntahan niya pauwi," suhestiyon ng lalake. Aangal pa sana ako kaso tumango na si Charles at nagmamadaling umalis. "'Di mo naman ako kailangan ihatid pauwi. Marunong ako," sabi ko sa kan'ya. "Magga-gabi na. Hindi mo ba alam kung anong nangyayari sa mga babaeng mag-isa lang 'pag gabi? Ihahatid na kita.'Wag kang makulit." No choice. Ayoko na rin naman makipag-away pa. Gusto ko na rin kasing umuwi. "Wait lang, hindi kita kilala! So why should I trust you? Close ba kayo ni Charles? Bakit pumayag siya agad?" sunod-sunod na tanong ko. I don't even know this guy's name! "Call me Luke," kibit-balikat niyang sabi.  "Ikaw na rin ang bahala kung pagkakatiwalaan mo 'ko. Wala naman akong gagawing masama sa'yo. Takot ko na lang kay Charles. Nambubugbog 'yun eh," humalakhak siya.  "Kiss," sabi ko naman sa kan'ya. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. That look again. Ayaw na ayaw ko ang gan'yang look kapag sinasabi ko ang pangalan ko. People always get the wrong impression. "I meant, my name's Kiss," pagkaklaro ko. Mamaya totohanin ng lalaking 'to. Psh. "Kiss talaga pangalan mo? Why Kiss? Mahilig bang maghalikan ang parents mo?" Nangibabaw na naman ang halakhak niya. Sa pangalawang beses, napahiya niya na naman ako. Ano bang problema ng Luke na ito? Ang sarap batuhin ng tsinelas. "Please bring me home. And shut up."  *** "Hindi ito ang daanan papuntang bahay," sabi ko. Kanina ko pa sinabi sa kan'ya ang directions para makauwi kami. Pero makulit, ayaw niya pa akong iuwi sa bahay ko. "Alam ko."  "Sa'n mo 'ko dadalhin?"  "Kain muna tayo. Nagugutom ako."  Muntikan na akong mapatawa ng malakas nang sa Starbucks kami tumigil. "Really? Gutom ka tapos Starbucks? Mabubusog ka ba sa kape?" sarkastiko kong tanong. Anong gagawin niya rito? Seryoso ba siya na dito siya kakain? "Gusto ko dito. I like the ambiance, lalo na pag gabi. Peaceful. Tumahimik ka na lang diyan, ililibre na nga kita eh." Nang narinig ko ang salitang libre, agad akong tumahimik. Mabait rin pala minsan si Luke. Kaya naman palang pag-usapan 'to eh. After niyang um-order ng frappe and cake, naupo agad kami sa isang mesa. "Luke, anong year mo na? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" tanong ko. Curious. "3rd. Kaka-transfer ko lang rin eh," sagot niya. What? I'm a year older than him? Sa tangkad nitong lalaking 'to, mas matanda pa pala ako sa kan'ya? "Talaga? Kaya pala."  "Ikaw, mukhang dikit ka ng dikit kay Charles ah? Halata sa actions mo kanina. Magkaano-ano kayo?" tanong niya naman. Ngumisi ako ng malaki. "Engaged na kami. Ikakasal na in the near future," mayabang kong sabi. 'Di na 'ko nagtaka nang bigla siyang tumawa. Dumating na rin 'yung in-order niya kaya napatigil na rin siya. "You done?" iritado kong sabi. Nakaka-offend ang tawa niya. Pwede pa rin namang mangyari ang sinasabi ko. "Yeah. Joker ka pala. Ha.Ha.Ha." pang-aasar niya at nagsimula nang kumain.  "Ansama mo! Pwede namang mangyari 'yon. Tiwala lang." Tiwala lang, Kiss. Makukuha mo rin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD