"Kiss, gusto mo bang mag-lunch sa'min for today? Hanggang isang linggo lang kasi kami rito at paalis na kami bukas kaya bonding muna tayo," sabi ni tita Jan sa telepono. Napangiti na lang rin ako. Magi-isang linggo na kasi ako rito sa malaking bahay na ito. Masaya siya nung una, pero ngayon, I feel really lonely. Wala kasi akong kasama. Wala akong makausap. Kaya paminsan-minsan ay dumadalaw ako para makipag-tsismisan kay Kaizer. Kaso tahimik naman ng batang yun eh. Ayaw akong pansinin, kainis. Nakakalungkot kasi pati sila tita Jan ay aalis na. I'm going to be all by myself, completely. Hindi ko tuloy alam kung pinagsisisihan kong isang buwan ako rito. Sana pala ginawa ko na lang na isang linggo. Pero bitin naman kung isang linggo lang rin, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa naaayos an

