It was hard. Hindi na ako sanay. Hindi ako sanay na sosorpresahin niya ako pagkagising ko. Hindi ako sanay na hindi ko makikita ang pagmumukha niya sa umaga. Hindi ako sanay na nakikipag-away pa siya kay Lucas para lang ipagluto ako. I never even noticed. He became part of my world unconsciously. I wouldn't say this to his face, but... I missed him already. Bilang isang malapit na kaibigan. I sighed. "Kiss, this is all your fault. Ikaw ang may kasalanan kaya sana ay hindi mo to maramdaman," I scolded myself. Tumayo na ako sa kama at gulat ko na lang nang pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa'kin si Lucas. "Good morning, bae!" he greeted happily. At may kasama pang kindat. I walked past him papunta sa kitchen area kung saan nagpainit ako ng kape. "Wow! Ganyan ka na Kiss ah! Ganito la

