Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na nagpunta ng kwarto ko. Kahit naririnig ko na tinatawag niya ako ay hindi ko siya pinansin. Pagdating ko sa kama, umupo ako agad doon. Pero imbwes na makatulog, maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Mag-aayos na ba ako ng gamit? Aalis na ba ako dito? Totoo kaya 'yung sinabi ni Charles kanina? Napabuntong-hininga ako at umayos ng upo. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan. Halos mapasigaw na ako kaso napigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pala naisara 'yung pintuan. "Kiss, mag-usap tayo," ani Luke at tumabi sa'kin sa kama. "Anong pag-uusapan natin?" "Hindi ka aalis dito," matigas na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nainis sa sinabi niya. "Bakit hindi? Pagmamay-ari mo ba ako? Luke, nakibahay lang ako saglit, pero mu

