I was crying the whole drive going home. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Echo kanina. “Naaawa na lang siya sa iyo, pero wala nang pagmamahal kaya huwag ka nang umasa pa na maaayos kayong muli at na ikaw pa rin ang pipiliin niya, Sam,” iyan ang mga binitawang kataga kanina ni Echo. Napaiyak na naman ako nang mag-echo sa utak ko ang mga sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon sa akin! iyak ko sa isip ko. Napasulyap tuloy ako sa natutulog na si Nil. Sobrang mahal na mahal kita, Nil, pero bakit nagawa mo pa rin akong saktan at lokohin ng ganito? iyak ko pa rin. Napapayuko ako habang pinupunasan ang mga luha mula sa mata ko. Tulungan mo naman akong kayanin pa ito, kasi I don’t want to give you up that easy da

