Nakita ko na nagre-relax siya habang nakapikit. Parang pinapakiramdaman niya ang hangin na dumadampi sa balat niya. “No wonder kung bakit maganda rito,” sabi ko na dahilan para mapadilat na siya at mapatingin sa akin. “Yeah. Hindi ka magsisisi kahit mataas at mahirap siyang akyatin, worth it pala sa dulo,” tugon niya naman na kinatingin ko rito. “Yes, I agree,” nakangiti kong sabi naman sa kanya. “You know what,” sambit niya. Lumakad siya nang bahagya habang nagsasalita. “My grandmother used to tell me stories about this Lighthouse,” he said. Napalakad na rin ako na sumunod sa kanya. “Sabi niya, there is a boy and a girl na nagkakilala rito. They are both young,” umpisa niyang kwento sa akin. Nakikinig lang ako sa kanya. “’Yung isa from Manila ta

