Naglakad na nga kami ni Sam papunta kung saan naka-park ang sasakyan ko. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami. Hindi naman siya sumagot o nagsalita sa tinanong ko, bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang yakap-yakap ang kanyang sarili. “Here,” I said nang makarating na kami kung saan ko ipinarada ang aking kotse. “Let’s go, Sam,” wika ko. “Sam!” nang may biglang tumawag kay Sam. Napatingin kaming pareho sa pinanggalingan nito. “Nil,” sambit ni Sam nang makilala niya kung sino ang tumawag sa kanya. Papalapit ito sa amin. “Mr. Galvez?” takang tanong nito sa akin nang makita ako. “Ano’ng ginagawa ninyo rito?” gulat na tanong nito sa akin. “Ah-Am,” hindi ko alam kung paano ko sasabihin na tinawagan ako ni Sam para samahan

