MAX’s POV I am Sam’s best friend kaya naman handa ko siyang tulungan kung ano man ang kailangan niyang tulong, ngunit sa nangyayari ngayon ay hindi ko na alam kung paano ko pa siya tutulungan. I pity her, actually dahil kung tutuusin, maganda siya, may pinag-aralan. Pwede niyang iwan na lang si Nil dahil sa ginawa nito sa kanya, pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya para gustuhin niya ang set-up na naghahati sila ni Echo kay Nil. Kung bakit kailangan niyang um-oo sa ganoon? Hindi ko na talaga siya maintindihan. If I were to her, hindi na ako magtitiis. Bakit pa? Eh niloloko at ginag*g* na lang pala ako, bakit pa ako magse-settle sa kanya? Ang dami naman diyang iba kung tutuusin. Makakakita pa siya at makakakilala ng mas hihigit pa kay Nil. At

