Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Tim sa akin nang hawakan niya ang kamay ko. “Sam,” sabay sambit niya sa pangalan ko. Napabaling naman ang tingin ko sa kanya na kanina lang ay nasa ibang direksyon. “Pinaglalaban ang pag-ibig kapag alam mong tama pa,” saad niya. “Ngunit kung hindi na tama at wala na itong buhay at saysay, dapat na itong bitawan, para hindi na makasakit pa,” makahulugan niyang wika sa akin. Hindi ko naman sinasadya na mapapaluha ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko kasi ang pinupunto niya. Ako lang kasi itong hindi makapagdesisyon nang naaayon sa tama at mali. “You don’t need to make things happen as always, but you need to move forward to see the real beauty of it,” paliwanag naman niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko sa sinab

