"Mukha kang problemado," saad ni Madel. Nandito ako ngayon sa kaniyang office dahil gusto ko siyang kausapin. Kailangan ko kasi ng opinyon niya dahil hindi gumagana ang utak ko ngayon. Hindi kasi puwedeng basta-basta na lang akong magdesisyon at alam kong hindi rin anman papayag si Kazimir sa gagawin ko kung sakali. "May problema ba kayo ni Kazimir?" tanong niya sa akin. Bigla naman akong napalingon sa kaniya tapos saka ko lang napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin. Akala ko ay patuloy pa rin siya sa pagtitipa sa kaniyang laptop pero mukhang mali ako. "Wala naman kaming problema. Iyong relasyon namin, maayos naman," paos kong sagot. "Ang pagiging Chinese mo ba ang problema?" Tumango ako at malungkot na napangiti. Alam ko ang kayang gawin ng pamilya namin pero alam ko rin an

