Kabanata 3

1985 Words
"Marriane, hindi ka ba papasok sa eskwelahan?" pukaw sa kaniya ni Tiyang Lanie. Mag-aalas siyete y medya na ay nasa higaan pa ang pamangkin. Kadalasan, alas singko pa lamang ng umaga ay gising na ang dalaga at kusa pang naglalaba ng kanilang labahin para maibsan ang ilang gawain bago siya pumasok sa paaralan. "M-magandang umaga po, Tiyang. T-tila masakit po yata ang ulo ko ngayon. Para pong nanakit ang buo kong kalamnan at saka po-" Hindi na na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang nakaramdam nang panghihilo. Iba ang kaniyang nararamdaman at parang may kung anong umuukray sa kaniyang sikmura dahilan para pumanaog siya sa katreng kawayan at saka dumeretso sa lababo para ilabas ang kung anumang gustong ilabas ng nasa kaniyang sikmura. "Marriane? Ano ba ang nangyari sa iyo? May dinaramdam ka ba? Masakit ba ang tiyan mo?" Halata ang pag-alala ng tiyahin sa kaniya. Nilapitan siya nito at saka hinagod ang kaniyang likod. "T-Tiyang..." Nakailang beses siyang bumuga para maibsan ang kung anumang sama sa kaniyang sikmura. Nagpahid siya ng laway at saka nagmumog. "Baka kung ano ang nakain mo kagabi. Mas mabuting magpahinga ka muna. Huwag ka munang pumasok sa eskwelahan. Teka lang, titingnan ko kung mayroon pang laman ang bigasan natin nang maipagluto kita ng lugaw." "Misis, kailangan po ng dugo ng anak ninyo. A plus po ang kaniyang blood type. Bumaba po ang kaniyang hemoglobin kaya kailangan na niyang masalinan sa lalong madaling panahon." Napaangat ng mukha si Marriane. Iniabot sa kaniya ng nurse ang resita para makapaghanap na siya ng dugo para kay Paulo. "N-Nurse, s-saan po ba ako kukuha ng dugo?" Halos humilam na naman ang kaniyang luha. Kimkim niya ang kaniyang dalang wallet. Dalawandaan na lamang ang laman nito. "Pumunta po kayo sa Redcross. Maaari po kayong kumuha ng dugo roon pero kailangan muna ng replacement ng mag-donate. Magtanong-tanong na lang po kayo roon." "P-pero, walang bantay po ang anak ko rito." "Huwag kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa anak ninyo. Bilisan lang po ninyo ang pagkuha ng dugo para maisalin kaagad sa kaniya." Umalis kaagad si Marriane. Hindi naman masyadong malayo ang Redcross sa hospital. Kapag sumakay siya ng jeep makarating siya kaagad subalit muli niyang sinilip ang kaniyang pitaka. Ang naiwang dalawandaan ay para na lamang 'yon sa resitang ibibigay ng doctor para kay Paulo. Kulang na kulang na ang kaniyang pera. May barya siyang nakita sa kaniyang wallet, binilang niya. Nasa labinlimang piso rin ito. Minabuti niyang maglakad patungong Redcross. Hindi na niya ininda ang matinding sikat ng araw. Si Paulo ang nasa isip niya. "Anak, kakayanin natin 'to. Kakayanin mo 'to. Gagawin ko ang lahat, mabuhay ka lamang. Huwag kang susuko. Nandito lang si Nanay, Paulo. Ako ang iyong ina, maging ang isang ama ay kaya kong gampanan, huwag ka lang mawala, Anak." Tumawid na sa kabilang kanto si Marriane. "Hoy, ano ba?" Rinig niya ang malakas na sigaw at muntikan na siyang naabot ng isang magarang na kotse. "P-pasensiya po..." "Oh, what a small world. What happened to you, Marriane?" Nasa kabilang lane na siya nang muli niyang iniangat ang kaniyang ulo sa boses na familiar sa kaniya. "G-Gera?" Bumusina na ang ilang sasakyan na nakasunod sa kotse ni Gera. May kasama siyang lalaki sa loob at siya rin mismo ang nagda-drive. "What a disgusting day!" Kasunod nito ay ang pag-ibis na ng kaniyang sasakyan dahil hindi naman sila maaaringagkuwentuhan ni Marriane sa gitna ng kalsada. Inihatid na lamang ng tingin ni Marriane ang papalayong kotse. Napailing siya dahil tila naging maganda ang buhay ni Gera samantalang siya, narito at nagdurusa sa pagiging isang dalagang-ina. Dalawang buwan nang hindi nadatnan ng buwanang dalaw noon si Marriane. Kakaiba na rin ang kaniyang nararamdaman. Kung minsan ay tinatamad na siyang gumising nang maaga at ayaw din niyang pumasok sa paaralan. Kailangan pang pagalitan siya ni Tiyang Lanie at paalalahaning kailangan niyang makatapos sa kaniyang pag-aaral. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Gulong-gulo na ang kaniyang isipan at ayaw niya ring ipaalam sa tiyahin ang kaniyang kutob. "May dinaramdam ka ba, Marriane?" Minsan ay napuna rin siya ni Froilan nang sunduin siya nito sa paaralan. "A-ahmm...w-wala 'to, Froilan." "Are you sure? Halika, mamasyal muna tayo sa mall. Kakain din tayo sa fast food chain bago kita ihatid. Tiyak na nagugutom ka na. Namumutla ka na kasi." "H-huwag na, Froilan. Kailangan ko nang umuwi. O-okay lang ako." "Ano ka ba, nakapagtatampo ka naman. Nakalimutan mo bang monthsary natin ngayon?" Ikalimang na buwan na pala nilang magkasintahan. Tila nakalimutan na nga ni Marriane dahil sa mga dalahin niyang pangamba. Gusto niya ring sabihin kay Froilan na baka nagdadalantao siya. Wala na rin siyang magawa kundi ang sumama kay Froilan sa isang mall. Naglibot-libot muna sila hanggang tila nakaramdam nang panghihilo si Marriane. Pinagpawisan siya nang malamig kaya napakapit siya kay Froilan sa braso nito. "What happened? Why are you so pale? May masakit ba sa 'yo? Dadalhin kita sa pinakamalapit na clinic." Masyadong nag-alala si Froilan sa kaniyang nobya. "H-hindi na, Froilan. T-tama ka, b-baka gutom lang 'to. Kanina pa kasi hindi ako nakakain." Kailangan niyang kumbinsihin si Froilan. Ayaw din niyang malaman ng nobyo na baka tama nga ang kutob niyang buntis siya. "Kaya nga eh. Kanina pa kita napapansin na namumutla. O siya, papasok muna tayo sa fastfood na 'yan. Tiyak na nalipasan ka na naman ng gutom." Si Froilan na ang nag-order ng kanilang makakain. Alalang-alala si Froilan sa kaniyang nobya. Halos subuan na niya ito ng pagkain dahil mataman lamang na minamasdan ni Marriane ang nakahaing masarap na pagkain sa kaniyang harapan. Hindi naman maaaring sabihin ni Marriane sa kaniyang nobyo na hindi niya nagustuhan ang amoy ng pasta at saka ang beef steak. Parang iba ang hinahanap ng sikmura nito. "Ayaw mo ba ng mga food na 'to? May gusto ka bang kainin? O-order na lang akong muli." Umiling ang dalaga. Nahihiya na siyang masyado kay Froilan. Halos lahat na lang ay ipinadama na sa kaniya ang kaniyang kahalagahan. Hindi na nakatiis si Froilan. Hiniwa niya ang beef steak at saka isinubo sa dalaga. Naglibot pa ang paningin ni Marriane dahil nanliliit siya sa kaniyang sarili. Hindi ito dapat ginagawa ni Froilan sa isang katulad niya. "Oh my God! K-Kuya?" Sabay silang napaangat ni Froilan nang may tumambad sa kanilang harapan. Isang matangkad na babae, nakasuot ng kulay puting uniporme at may nakasukbit na black shoulder bag. May kasama rin itong babae na katulad din nitong nakasuot ng puting uniporme. "K-Kayre?" Pati si Froilan ay nagulat din. "What are you doing here? At sino ba ang mumurahing babaeng 'to na pinakakaabalahan mong subuan?" Tiningnan ni Kayre si Marriane nang mariin. Mula ulo hanggang yata sa suot nitong mumurahing sapatos. "Don't tell me Kuya that this girl is your-" "Shut up, Kayre! Careful for the words you are trying to say. Yes, this girl is my girlfriend. Nakakagulat ba?" Bakat din ang inis sa mukha ni Froilan dahil tila hindi nito nagustuhan ang paghagod ng tingin ng kapatid kay Marriane. "Tsss...what? You are crazy. Wala ka bang taste, Kuya? Look at this kind of girl. Kahit hindi ko kilala, I am sure this is a cheap one. She is not bagay to be your girlfriend. So disgusting in our family." Halos pinagtitinginan na sila ng mga costumer na naroroon. Hiyang-hiya naman si Marriane kaya minabuti niyang yumuko at hindi na rin niya mapigilan ang unti-unting pagpatak ng kaniyang mga luha. Tumayo si Froilan at saka hinablot ang braso ni Marriane. "Let's go, Marriane. Sa ibang lugar na lang tayo kakain." Tinapunan niya ng matalim na tingin ang kaniyang kapatid pero taas-noo pa rin si Kayre. "Yucks! Kapag malalaman ito ni Mommy, I am sure she will not allowed that kind of woman to be part of your life." Hindi na pinansin ni Froilan ang tabas ng dila ng nakababatang kapatid. Kung nakatutunaw lang ang pagtitig ni Kayre, siguradong tunaw na tunaw na si Marriane. "Froilan..." "Huwag mo siyang pansinin. She doesn't know what she's saying." "Siya ba ang ang nakababata mong kapatid?" "Yes. Maraming bagay lang na hindi kami magkakasundo." "Froilan. Kailangan ko nang umuwi." Nagmamakaawa na ang mga mata ni Marriane. Bakas din ang luhang naglaglagan mula rito. Huminto sila sa paglalakad at saka hinarap ang dalaga. Pinahiran din nito ang basa niyang mga mata. Ramdam ni Marriane ang init ng haplos ng kasintahan pero pinigilan na niya ito. "Tama na, Froilan. Huwag mo nang dagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Tama ang iyong kapatid. Hindi ako nararapat sa buhay mo. Kaya sa lalong madaling panahon, ibibigay ko ang iyong kalayaan." "Pati ba naman ikaw? Akala ko, kasama kitang ipaglaban ang kung ano ang namagitan sa atin? Wala ka bang tiwala sa akin, Marriane? Ganiyan lang ba kadaling isuko ang pagmamahalan natin?" "Ang kaligayahan mo ang iniisip ko. Ayaw kong maging miserable ang buhay mo at masisira ang pagmamabutihan ninyong magkakapatid nang dahil lang sa akin." Muling hinablot ni Froilan ang kaniyang braso at saka dali-dali na silang lumabas papanaog sa parking lot. Agad na pinasakay ni Froilan ang dalaga sa kaniyang kotse. Wala silang imikan sa loob. Panay naman ang sulyap ni Marriane sa kaniyang nobyo. Naglaglagan na naman ang kaniyang mga luha. Hindi bukal sa loob niya ang sinabi niyang gusto nitong ibigay sa binata ang kalayaan nito. Namalayan na lamang ni Marriane na parang iba ang daang tinahak ng kotse ni Froilan. Lalo siyang nangamba nang tumapat sa isang hotel ang kotse nito. "Miss, number mo na yata ang tinatawag. Kanina ka pa nakatunganga riyan." Napasikdo si Marriane nang tapikin siya ng ale sa balikat. Nakapila na pala siya papunta sa counter para sa dugong kakailangan ni Paulo. "S-sorry po." Dali-dali niyang ibinigay sa counter ang listahan ng dugong kakailanganin niya. "Miss, kailangan po munang may replacement kayo para sa dugo na kakailangain ninyo. Wala na pong stock ngayon ng A positive. Humanap muna kayo ng magdo-donate." Halos nabingi si Marriane sa sinabi ng nasa counter. Agad siyang lumabas at saka humalikipkip. Sobrang sikip ng kaniyang dibdib. Saan kaya siya hahanap ng dugong A positive? Kung pareho lang sana sila ng dugo ng kaniyang anak, kahit maubos pa ang dugo niya ay ibibigay niya mabuhay lang ang anak niya. "Miss, okay lang ba kayo? May problema ba?" May lumapit sa kaniyang lalaki. Sa tantiya ay nasa apatnapung taon ang itsura. "H-hindi po kasi ako binigyan ng dugo para sa anak ko. Kailangan ko pa raw maghanap ng magdo-donate bago nila ako bigyan." "Ano ba ang type ng dugo ang kailangan mo?" "A positive po." "Ahm...may kakilala ako. Gusto mo ba?" "P-po? Talaga po?" Tila nabuhayan ng loob si Marriane. Sumama siya sa lalaki at nagtiwalang mabibigyan siya nito ng dugo. Pumasok sila sa isang maliit na kubol na medyo may kalayuan sa redcross. May lalaking nakahilata sa loob kaya kinabahan si Marriane. "A-ano ba ang lugar na 'to?" "Hindi ba naghahanap ka ng dugo na magdo-donate? Tamang-tamang dahil A positive ang blood type ni Hugo. Kailangan mo lang magbigay ng isanlibo at limang daan para mabigyan ka kaagad." Nanlaki ang mga mata ni Marriane. Saan siya kukuha ng isanlibo at limang daan para ibayad sa dugong kakailanganin nito? "Diyos ko po. W-wala po akong pera para pambayad. Dalawandaan na lang po ang laman ng pitaka ko. Walang-wala po ako. Kakailanganin lang po ng anak ko ang dugo." Mataman siyang pinagmasdan ng lalaki pati na rin ang tinatawag na Hugo nito. Kakaiba ang mga ngisi nila habang hinahagod ang kabuuan ni Marriane. Umatras si Marriane dahil kakaiba rin ang kabang bumalot sa buo niyang pagkatao dahil tila hindi na maganda ang paghagod ng tingin nito sa kaniyang kabuuan. "Kahit hindi ka nakasuklay nang maayos pero ang ganda mo pa rin. Mapag-usapan naman natin 'to nang masinsinan." Nakangisi pa ito habang papalapit kay Marriane. Lalong kinabahan si Marriane kaya napahigpit ang yakap niya sa kaniyang pitaka. Wala na siyang iniisip kundi ang kaligtasan ni Paulo, ang kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD