Chapter 73 : Irap pa-more Lori’s POV Tahimik habang kumakain si Callum. Sa nakikita ko ay tila nadismaya ito nang maramdaman niyang parang wala talaga siyang pag-asa kay Selena. Kakaunti nga lang ang kinuha niyang pagkain. Oo, maraming klase ang kinuha niya, pero puro gagaripot lang ang mga iyon sa plato niya. Hindi gaya ng akin na marami talaga at sinulit ko ang kuha dahil dito pa niya piniling kumain. Hindi na lang doon para makasalamuha naman namin ang iba pang mga bisita ni Selena. “Lori, pangit ba ako?” basag niya sa katahimikan namin. “Uy, hindi, ah! Ang pogi-pogi mo kaya,” sagot ko agad kahit punong-puno ng pagkain ang bibig ko. Ngumiti siya. Pilit. Mas lalo siguro siyang nalungkot dahil kahit alam niyang guwapo naman siya at mayroon maipagmamalaki kay Selena ay tila hindi pa

