Chapter 48 : Twenty thousand pesos Boris POV Today is my birthday. Maaga akong pinagising ni mama para papiliin ako ng tuxedo na susuotin ko. Hindi ko alam na palihim siyang nagpagawa ng susuotin ko. Maraming kulay siyang pinatahi para sureball na may mapipili ako. Siyempre, para malinis tignan, puti na lang ang pinili ko. Ang daming tao sa salas namin. Abala ang mga ito sa pag-aayos ng buong paligid. Hindi pumayag si mama na hindi magara ang birthday party ko na ang totoo ko namang gusto ay simple lang. Kaunti lang kasi ang kaibigan ko. Walang pupunta. Wala na si Draven, tapos si Kennedy ay nasa ibang bansa pa. Tiyak na mga kaibigan ng mga parents ko lang ang pupunta rito. Ang ilan ay mga staff lang namin. Para saan pa ang party ko kung hindi naman malalapit sa puso ko ang dadalo. “Ma

