Chapter 96 : Ang galit ni Malcolm Lori’s POV Nagtuloy-tuloy na ang tulog namin ni Boris. Umaga na ng magising ako. Nadatnan kong tulog pa rin si Boris. Parehas pa rin kaming naked. Napangiti ako dahil kahit natutulog ito ay ang guwapo niya pa rin. Bumangon ako para kunin ang kumot. Kinumutan ko siya bago ako nagbihis. Pagbaba ko sa hagdan ay nakitang gising na sina nanay at tatay. Nagkakape sila habang nakaupo sa sala. “Kumusta ho ang unang gabi ninyo rito?” bati ko sa kanila. “Hoy, Lori! Anong nangyari at hindi na kayo lumabas sa kuwarto simula nang umuwi tayo kahapon dito? Hindi na kayo naghapunan manlang ni Boris?” tanong ni nanay habang hawak-hawak ang tasa ng kape. Napangisi ako dahil nakapantulog pa rin siya nang bumaba rito. Hindi nila alam na kapag lalabas na dapat ng kuwarto a

