Chapter 9 : Ang nakakalungkot na liham
Boris POV
Gawa na ang Yummy Bar. Pero bago na ang pangalan nito ngayon. Red bar na ngayon at puro kulay red din ang makikitang kulay ng mga design sa labas at loob. Kasama ko si Andrich na papasok na sa loob. Naghihintay na kasi sa loob ang nauna nang sina Draven at Kennedy.
“Exciting ito. Ngayon lang ako makakapasok sa bar dito sa Pilipinas,” masayang sabi ni Andrich na patingin-tingin sa buong paligid.
Madaming tao ngayong gabi sa loob ng Red bar. Puno na ang lahat ng upuan. Habang hinahanap namin ang dalawa ay nakatanggap ako ng text message kay Draven. ‘Nag-private room na kami. Sobrang daming tao kasi ngayon. Vampire room ang hanapin ninyo.’
“Tara. Nasa private room daw sila,” aya ko kay Andrich.
Ang gara. Ang daming nabago sa Yummy Bar. Nadagdagan ng mga private room dito ngayon. Bawat room ay may iba’t ibang design. May nakita akong hell room, heaven room, enchanted room, forest room at kung anu-ano pa. Nang makita ko na ang parang may malaking pangil na nakasabit sa pinto at maraming dugo ay mukhang iyon na ang tinutukoy ni Draven na vampire room.
“Dito tayo,” sabi ko sa kaniya.
“Nice. Sa vampire room pala tayo,” sabi niya na ngingisi-ngisi.
Pagpasok namin sa loob ay nakita na nga namin ang dalawa na nauna na palang uminom. Tumayo ito parehas nang makita kami.
“Damn! Sa wakas na-meet ka na rin namin, Andrich,” bati ni Kennedy na agad namang nakipagkamay kay Andrich.
“Ang ganda rin pala ng katawan mo, Kennedy,” bati naman ni Andrich sa kaniya.
“Yow! Nice to meet you, Andrich,” bati naman ni Draven na tila nahihiya pa sa pinsan ko. Ganiyan siya palagi kapag may bagong kakilala.
Ang mga gago, hindi manlang ako binati. Nang dumating si Andrich ay puro ito na ang hinunta nila. Wala tuloy akong nagawa kundi ang uminom ng alak at kumain nang kumain na lang ng mga pulutan sa lamesa.
“Ilan ang naging girlfriend mo, Andrich?” tanong ni Draven.
“Mahigit bente na ata. Not sure, pero baka lagpas pa roon.”
“Lahat ba ‘yon ay nagalaw mo?” tanong naman bigla ni Kennedy. Siraulo talaga.
“Wasak lahat ng ‘yon. Walang umaalis na babae sa ‘kin na hindi lumuluwag ang tahong,” sagot ni Andrich kaya napapailing ako. Grabe. Tila, nararapat lang na tumurupa pala si Andrich sa mga ito dahil ganiyan ang gusto nilang palaging topic. Ang babastos ng mga bibig nila. Mabuti na lang na sa private room kami.
“Nasywan, brother. Tiyak na malaki ang kargada mo kaya ganoon,” pagpapatawa ni Kennedy.
“Hindi sa pagmamayabang. Lahat silang naging girlfriend ko ay lumuluha kapag binobl*wj*b ako. Sa taba ba naman at haba nito ay tiyak na mahihirapan talaga sila. Gayunpaman ay naiiwanan pa rin ako dahil hindi ata uso sa ibang bansa ang loyal sa iisang lalaki. Lahat ng nakilala kong babaeng may lahi roon ay lalakero. Kaya nga wala akong siniseryoso. S*x lang ang habol sa akin ng karamihan. Ang gusto ko pa rin talaga ay babae na taga Pilipinas. Baka rito na ako maghanap ng seseryosohin ko.” Mabuti pa siya ay walang kahirap-hirap na maghanap ng babae. Confident na confident dahil alam niya sure na siya na makakahanap siya ng babae niya. Tiyak na baka maunahan pa niya akong magka-girlfriend. Madali na lang para kay Andrich iyon dahil guwapo at maganda ang katawan nito. Sa all na lang, tangina.
Nalalasing ako sa kakapakinig sa mga kagaguhan nilang kuwentuhan. Lumabas muna tuloy ako roon para magpahangin sa labas ng bar.
Sinusubukan kong maging bad boy kapag wala ako sa mansyon. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang ma-try iyong maging cool na lalaki. ‘Yong hindi mukhang lampa. Hindi alam ni Kennedy na kumuha ako ng isang sigarilyo sa kaha niya kanina. Dinala ko rin ang lighter niya. Habang nakasandal ako sa pader ay sinindihan ko na ang sigarilyo ko. Sanay naman ako nito. Tinuruan kasi ako ni Kennedy. Paminsan-minsan ay patago na rin akong nagyoyosi sa mansyon. Basta sa kuwarto lang ako.
Mayamaya, habang tahimik akong nakatanaw sa langit ay narinig ko ang isang babae na tila tahimik na umiiyak. Hinanap ko kung nasaan siya. Nasa isang gilid ito. Sa mga tapunan ng basura. Nakasuot ito ng uniform ng mga waitress dito sa Red bar. Nakayuko ito na para bang umiiyak.
“Ayos ka lang ba, miss?” tanong ko sa kaniya. Bigla itong tumigil nang marinig ako.
Nang humarap siya sa akin ay tila nakita ko na siya somewhere. Tama. Naalala ko na. Siya iyong babae na nakasungguan ko sa mall nang isang araw. Siya iyong babae na hinahabol na lalaking bampira. Kung ganoon ay ayos lang pala siya. Mabuti naman.
“Ayos lang po ako,” sagot niya habang nagpupunas na ng luha.
“Teka, kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ‘yong babaeng nakasungguan ko sa mall nang nakaraang araw?” tanong ko na sa kaniya.
“A-ang alin?” pagtataka pa nito.
“Iyong babaeng nasunggo ko sa mall nang nakaraang araw. Ikaw ‘di ba ‘yung babaeng hinahabol ng lalaki?” Nakita kong nanlaki ang mata niya. Umiling ito bigla sa akin. Ang weird.
“H-hindi ako ‘yon. Baka nagkakamali lang ho kayo,” sabi niya at madali itong umalis. Pumasok niya siyang muli sa loob ng bar.
Hindi pa naman ako gaanong lasing. Sigurado ako na siya ‘yon. Tandang-tanda ko ang mukha siya. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong, singkit ang mata, maputi ang balat, sexy at maganda. Hindi ako puwedeng magkamali.
Pagbalik ko sa loob ng bar ay sinubukan kong hanapin siya. Nakita ko na may hawak siyang tray. May laman iyon na pork sisig at tahong sisig. Natawa ako. Order ko ata iyon. Sinundan ko siya at tama nga ako. Pumasok siya sa loob ng vampire room. Pagkapasok niya roon ay nakita kong may nahulog na papel sa labas ng pintuan ng room namin. Pinulot ko ang papel. Hindi sa pangingialam, pero binasa ko iyon.
‘Anak, Lorie. Ako ito, ang papa mo. Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka pa umuuwi hanggang ngayon? Hiling ko na sana ay mabasa mo ‘tong sulat ko sa ‘yo. Nais ko lang ipaalam sa ‘yo na nasa hospital ang ‘yong ina. Kailangan siyang operahan sa puso. Kailangan natin ng malaking halagang pera. Anak, Lorie, tulungan mo kami. Ikaw na lang ang makakatulong sa ‘tin. Tulungan mong maduktungan pa ang buhay ng ina mo.’
Nalungkot ako bigla sa nabasa ko. Ngayon, alam ko na kung bakit umiiyak siya kanina sa labas ng bar. Narinig kong bumukas na ang pinto ng room namin. Nang lumabas na siya sa private room namin ay inabot ko na sa kaniya ang napulot kong papel.
“Nahulog mo,” sabi ko.
“S-salamat,” sagot niya at aalis na dapat ito pero pinigilan ko siya.
“Kaya kitang tulungan,” sabi ko kaya nahinto at napaharap agad sa akin.
“T-talaga?”
“Oo, bibigyan kita ng pera para maoperahan na ang ina mo.”
“Naku, maraming salamat po kung ganoon,” sagot niya. Lumuhod pa ito sa akin at saka tuluyang umiyak. Itinayo ko naman agad siya. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga taong nakakakita sa amin.
Binigay ko sa kaniya ang calling card ko. “Bukas, tawagan mo ako. Magkita tayo,” sabi ko sa kaniya.
“Sige po. Salamat po talaga. Hulog kayo ng langit sa amin,” sabi pa niya.
“Sige na. Magtrabaho ka na ulit at baka mapagalitan ka pa ng boss mo,” sabi ko kaya umalis na siya.
Tinignan ko pa siya habang paalis na ito. Napangiti ako. Sulit naman ang ibibigay kong pera kung ang gaya niya ang magiging girlfriend o asawa ko. May target na ako ngayon. Sana lang ay pumayag siya bukas kapag nakausap ko na siya.
“Hoy! Saan ka ba galing?” tanong ni Draven na nakataas ang kilay. Namumula na ang mukha niya. Halatang lasing na ito. Nakita ko na may bawas na ang tahong sisig ko kaya agad akong nagalit.
“Sinong epal ang nangialam ng tahong sisig ko?”
“Sorry, Borbor. Tinikman ko lang pero hindi naman pala masarap,” sabi ni Andrich.
“Anong hindi masarap. Masarap kaya ‘to,” sabi ko at saka ko nilayo ang plato kay Draven. Alam ko kasing gusto niya rin ito.
“Hindi ako hihingi sa ‘yo. Um-order na rin ako ng akin,” sabi niya kaya natawa ako.
“Alis ka nang alis, Borbor. Kanina may magandang waitress na pumasok dito. Siya ang magandang maging girlfriend mo. Maganda, sexy at mukhang mabait. Saka, mukhang birhen pa ang isang ‘yon,” sabi ni Andrich.
“Huwag kang mag-alala. May nakita na rin ako at nakausap. Actually, bukas ay makakausap ko na siya,” sabi ko sa kanila kaya sabay-sabay silang nagulat.
“Go, Boris! Sinabi ko naman sa ‘yo na kaya mo ‘yan, e. Kapag nagkita kayo, dalhin mo agad sa hotel. Buntisin mo na para maikasal ka agad,” sabi ni Kennedy kaya binatao ko siya sa mukha ng calamansi.
“Gunggong ka talaga mag-isip!” sabi ko kaya tawa nang tawa sina Draven at Andrich.
Hindi mawala sa isip ko si Lorie. Nakatatak na sa isip ko ang itsura niya. Nakuha niya agad ang puso ko kahit ilang beses ko pa lang siya na nakikita. Kung papalaring tanggapin niya ang i-aalok ko ay magiging masaya ako ng lubos. Matutupad ko na ang hiling ni lolo at kikiligin pa ako dahil sobrang ganda ng magiging asawa ko. Kahit peke lang ang pagiging mag-asawa namin ay ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay maranasan kong magkaroon ng asawa na sobrang ganda. Sana lang talaga ay pumayag siya.