Chapter 56 : Si Felix at Lazarus Lori's POV Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Malcolm ay nadatnan kong nag-uumpisa nang uminom ang mga ito. Hindi ko sila tinignan nang madatnan ko sila sa salas. “Isalin mo na agad ‘yan sa plato at kanina pa kami nagtitiyaga sa walang pulutan,” utos agad ni Felix na makapal ang mukha. Akala mo kung sinong makapag-utos. Hindi ako sumagot. Tuloy-lakad lang ako papunta sa kusina. Kumuha ako ng mga plato na paglalagyan ng mga pulutan nila. Sinalin ko roon ang mga sari-saring uri ng sisig: sisig baboy, sisig tahong, sisig manok at tofu. Lahat ng ito ay walang sibuyas at bawang. Bawal kay Malcolm iyon. Parang makaganti sa mga pang-aalila nila ay isa-isa kong dinuran ang mga pulutan nila. Ito ay para umamo naman sa akin ang mga hayop na iyon. “Hoy! Anong gin

