Chapter 60 : New witch friend Lori’s POV Pag-uwi ko sa bahay ni Malcolm ay nadatnan kong nakaupo ito sa salas habang nagbabasa ng diyaryo. “Nagwaldas ka na naman,” bati niya kahit hindi pa naman siya tumitingin sa akin. “Ipapaalala ko lang na hindi ikaw ang nagbibigay ng pera sa akin kaya kung ano man ang binibili ko ay wala ka nang pakialam doon,” sagot ko sa kaniya. Narinig ko na nilukot niya bigla ang diyaryo na binabasa niya. Nang lingunin ko siya ay mabilis siyang lumapit sa akin. “So, kanina nanggagaling ang suweldo mo sa Yummy bar? Hindi ba’t sa akin?” sigaw niya habang pisil-pisil niya ang baba ko. Umalma ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa baba ko. “Pinagtatrabahuhan ko iyon, hindi pa rin sa iyo galing iyon,” pagmamatigas ko. Siraulo na kasi ang isang ito. Ang kapal ng mukh

