Chapter 37 : Ang paghaharap nila Boris at Malcolm Boris POV Maaga akong nagising dahil maaga akong natulog kagabi. Naghikap ako ng isang matagal. Mahaba naman ang tulog pero parang kulang pa rin. Ang weird. Ganito ako palagi. Kapag kulang ang tulog, parang mas ayos pa. Pero kung kailan kumpleto ang tulog, saka naman parang kulang o inaantok pa ako. Bumaling ako sa gilid ko. Nakita kong wala na sa tabi ko si Lori kaya nagulat ako. Bumangon na ako. Pag-upo ko ay biglang sumagi sa isip ko si Draven. Napabuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Galit na ako sa bampirang iyon. Paglabas ko sa kuwarto ko ay nakasalubong ko Manang Rosita. “Anak, Boris, umalis ng bahay si Lori. Ayoko sana siyang paalisin dahil sa nangyari kahapon, pero ang sabi niy

