Sugod bahay

1208 Words
"Kailangan ko ng mga tao, ngayon na. Binigay ko na ang address." Napakagat si Vivi ng labi nang madinig yon kay Ito. Parang napaisip isip siya sa totoong trabaho nito. Parang hindi naman nurse. Mukhang boss talaga ng gang. Nang Mafia. Naninibago din siya. Ibang klase kasi ang pagkaseryoso nito. Nakakakot. Dati mukha lang mamatay tao, ngayon parang literal na talaga. Tumingin siya sa relo. Alas tres na ng madaling araw. Hindi niya alam kung tama bang mag-byahe nang ganoon kalayo nang ganoong oras. Papunta sila ng Tanay. Doon sa rest house ni Buds Dimaguiba. Alam daw ni Ito ang daan doon kaya ito na ang nag-drive. "Vivi, shoreness na itech? Baka mamali tayo ng bahay ha. Lam mo na, baka ma-trespassing tayo." Napakagat siya ng labi uli. Tama naman si Pilar. Paano kung mali hinala nila? Paano kung hindi talaga si Miss Carrie yon? Nakatalikod lang naman kasi. "I don't know." Sambit niya. "Shuta ka. Anong I don't know? Gogora tayo sa liar ng kidnaper na walang police? It's so dangerous!" Hindi naman kidnapan ang nangyari sa tingin niya eh. Mukhang sumama ng kusa talaga si Miss Carrie. Ang hirap lang i-explain kay Pilar. Hindi nga niya alam kung bakit pa sila nag-join dito. Ayaw kasi siyang payagan nang dalawa na sumama kina Ito kaya sumabit na rin ang mga kaibigan niya. Naka-convoy sa kanila yung van. Andoon si Leo saka si Byron. Si Joey naman yung nagdri-drive. Kasama naman niya si Pilar dito sa sasakyan ni Ito. Nasa likod nila. Pero sana pinasabay nalang niya doon sa kabila. Ang dami kasing hanash. "Kinakabahan na aketch. Wiz ko pa gustong mategi. Bibigyan ko pa ng apo si mudra ko." Ani uli ni Pilar. Mas kinakabahan siya kay Ito. Baka mapikon ito sa ingay at bigla nalang ihagis sa labas ang kaibigan niya. "Shhs. Pi. Soplakin ko mouth po, you want? Stop muna." Saway niya tapos nginuso niya si Ito. Nagets naman iyon ni Pilar at nagtakip na ng bibig. Kunot na ang noo ni Ito. Masama na talaga ang timpla. Pero bakit ang hot na naman. Nag-iigting ang panga. Napakagat siya ng labi na naman. Hindi ito ang panahon para maging malandi. "Ex ba talaga ni Miss Carrie si Buds?" Tumango lang ito sa tanong niya. "So friends nga kayo?" Nakita niyang ngumiwi naman. "Hindi." "Wow. Ang lalim nung hindi ha." "Seventeen lang si Carrie noon nung pinatulan niya. Tapos niloko niya lang, hiniwalayan pagtapo--Puta siya.." Madiing sambit nito. "Tangina, dapat talaga pinutulan ko na yon noon pa." Napanganga siya. So violent naman. Saka grabe yung mura. Parang ibang-iba doon sa Ito na nakilala niya. Parang may nag-open ng window tapos nasilip na niya lahat nang bad side nito. Pero kahit siya din naman nung nangyari kay Ela non, sobra ang galit niya. Gusto din niyang manakit. Ganoon din siguro si Ito ngayon. "Pero si Miss Carrie yung laging niyang sinasabing babaeng di niya makalimutan. Yung ginagawan niya ng kanta. Lagi kong napapanood mga interview niya kaya." Sabi niya kay Ito. "Hindi ako naniniwala. Ginagamit lang ni Dimaguiba yon para sumikat. May mga ganoong tao talaga." Napanganga siya uli. Bakit parang nafe-feel niyang may hugot yon pero di para kay Buds. Nakita niyang umilaw yung phone. Pero imbes sagutin, pinatay lang ni Ito. Nahigip pa niya yung nakasulat. Kristina Mahal Tangina. Pinigil niya ang sariling ilabas ang murang yon. Bakit ba Kristina Mahal parin yung pangalan ng babaeng yon sa phone kasi? Kinalmahan nalang niya ang sarili. Kung magagalit naman siya, magsasalubong sila ni Ito. Baka lalong magkagulo. Hahayaan lang muna niya. "Malapit na tayo." Sabi lang nito. Umayos lang siya nang upo. Malaki ang sasakyang yon kaysa doon sa una niya niyang nasakyan. Mukhang kailangan ng booster seat ng inupuan niya, di siya komportable. Tumigil ang sasakyan sa isang malaking gate. Nakasara pero wala namang bantay. Napapalibutan yung lugar ng mga malalaking puno at malagong halaman. Pero natatanaw naman nila ang malaking bahay doon na may nakabukas na ilaw . "Dito na." May kinuha si Ito sa compartment pero di niya nakita kung ano. Bumaba na ito kaya bumaba na din siya. Kasunod din si Pilar. Nakita naman niya ang kasunod na sasakyan na nagsibabaan na din ang mga sakay. "Vivi...Nakakashokot naman si fafa mo. G na ba tayis?" Kinakabahang tanong ni Pilar. Humawak pa ito sa my balikat nang mahigpit. "Kalma ka lang, Pilar," sabi niya dito. "Di naman mananakit si Ito." Well... sana.. "Car?! Babe?!" Sigaw ni Leo. "Babe?!" Dumiretso pa ito sa gate pero laking gulat nila nang bumukas yon. Hindi nakalock. Parang inaasahang dadating sila. Nagkatingnan sila. Pumasok kasi si Leo nang walang abog. Kasunod noon si Ito. Si Joey naman ni Byron ay sumunod na rin kaya napilitang samahan ng jowa. Hinila naman niya si Pilar para pumasok na rin. "Nasaan ang kapatid ko, Dimaguiba!?" Halos dumagundong ang bahay sa lakas ng boses ni Ito. Hindi pa sila nakakapasok pero dinig na niya. "Oh shit." Napatigil siya pati ang mga kasama. Nakita niyang may hawak na baril si Ito. Hindi naman nakatutok, nakababa lang yon pero masama ang titig nito sa lalaking nakatayo sa gitna ng sala. "Esguerra, musta?" Sabi lang ni Buds. "Vivi...yaw ko na...ba't may ganyan..." Sambit ni Pilar. "Manahimik ka, gaga. Baka tayo tutukan." Si Byron naman na nagtatago sa likod ni Joey. Napalunok siya. Pakiramdam niya nanlalambot ang tuhod niya. Natatakot siya sa may baril. Ilang beses na silang natutukan noon ng Mama niya ng ama. "Ang tagal niyong dumating, pambihira naman." Wala siya nakikitang takot kay Buds. May hawak pa ngang baso ng alak. Parang ini-expect talaga ang pagdating nila. "Buddy, where is Car?" Si Leo naman. "Oi Leo. Sandali ha. Paisa lang." Sabi lang nito. Binaba nito ang baso sa isa sa mga lamesa doon tapos biglang sinuntok si Leo sa panga. Natumba naman tong isa saka uli sinipa ni Buds sa tyan. "Tangna, paisa? Dalawa na yon, Dimaguiba." Sabi naman ni Ito habang tinulungan si Leo na tumayo. "Ba't ba ang lampa mo? Aasawahin mo kapatid ko tapos ganyan ka?" "Where...where is Car?" Sambit naman ni Leo habang nakangiwi. Nakahawak na sa tagiliran. Silang apat naman na kasama, nakatanga lang. Napako na sila sa kinatatayuan habang nanunood na sa pagbubugbugan ng tatlo. Para silang nanood ng action movie na live. "Matapos mong hayaang mabastos, hahanapin mo? Gago ka ba talaga?" Sambit Buds. Tapos bigla itong ngumiti nang bumaling sa direksyon nila. "Oh, hi there pretty one. You're here too." Sabay-sabay namang nagtinginan ang mga kaibigan sa kanya. Nakataas na ang mga kilay. Pinamulhan siya ng mukha. Kung hindi ganito ang sitwasyon nila, pinagkaguluhan na siya panigurado sa mga tanong. "Um..Yes. Hi, Buds." Tipid na sagot niya. "Viviana, right?" Tumango siya. Lumakad na ito sa direksyon niya pero humarang si Ito bago pa siya malapitan. "Wag mong subukan." Matigas na sambit nito. Lalo siyang natakot. Mas galit ang tono noon kaysa kanina. Matalim din ang mga mata nang sumulyap sa kanya. "Dito ka lang Vivi." Napahawak siya sa dibdib. Ang lakas ng kabog noon. Hindi niya alam kung dahil ba sa takot o kung ano. Hindi niya maintindihan. "Kuya?" Napalingon sila sa babaeng pababa ng hagdan. Naka robe lang ito at mukhang bagong gising lang. "Leo? Oh my god?! Anong ginawa niyo?" Si Miss Carrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD