"Okay na siguro 'to."
Huminga nang malalim si Vivi nang makita ang ayos ang kwartong yon. Nakatambak na kasi doon ang lahat ng plastic ng damit para sa online shop. Pati na rin yung mga boxes ng mga sapatos. Maayos naman ang pagkakasalansan kahit papaano. Pansamantala lang naman yon.
Sabi sa PAGASA malakas yung paparating na bagyo bukas. Binabaha ang lugar nila kaya kailangan niyang maging maagap. Baka abutin pa yung loob ng baba ng bahay kaya nilagay niya dito sa bakanteng kwarto sa second floor lahat ng paninda. Mabuti naman at nandito sina Pilar at Byron. Tapos itong si Byron binitbit pa si jowabels. Kahit papaano may mga lalaking may mamasel-masel na tagabuhat.
Napatingin siya sa phone. Puro NDMMRC ang laman. Buong magdamag, yon lang ang natatanggap.
Napabuntong-hininga siya. Kahit papaano nami-miss din niya si Ito na nagme-message sa kanya. Pero syempre, matapos ang pag-uusap doon sa coffee shop, iniwasan na niya yung mamang balbon. Bli-nock na nga niya, eh.
Isa siyang babaeng may paninidigan. Paninindigan niya yon.
Hindi naman dahil doon sa sinabi nitong naging kaso. Pwedeng stir lang naman yon o ano. Ang problema, nasa eksena pa pala si Kristina habang nakikipaglandian sa kanya. Hindi totoong friends lang yung dalawa. Fake news yung nasa post nila. Walang friends na ganoong magtukaan.
Shuta kasi itong si Ito. Kainis. Two timer. Namamangka sa dalawang river. Akala pa naman niya matinong lalaki kahit mukhang hindi. Katulad din pala ng tatay niya.
Wala talaga siguro siyang swerte sa lalaki. Focus nalang uli siya sa family at business. Baka mag-alaga nalang siya ng pusa. Mabalbon din naman yon.
"Ate."
"Ay pekpek! Ano ba?!"
Napalingon siya biglang nagsalita. Si Germalyn lang pala. Ang hirap ng walang tulog. wala na sa hulog utak niya. Buong magdamag ba naman siyang gising. Bukod sa pagaayos ng gamit, nag-pack na rin siya ng mga orders para sa online shop. Saka tinapos pa yung mga online projects, sayang kasi dollars din ang bayad ng clients. Baka mawalan na sila ng internet dahil sa bagyo.
"My god naman, Ate." Ngumiwi lang ang kapatid sa kanya. "Aalis na ko. Yung for project ko?"
Napakunot tuloy ang noo niya. "San punta mo?"
Nakayos na. May suot pang jacket at may dalang bag. Tapos may nginunguyang kung ano.
"Duh, sa school, san pa?" Inirapan lang siya ni Germalyn. Tsk, kundi lang niya talaga kapatid, nasapak na niya.
"Padagdag na rin ng pang-grab. Malalate na ako, may long quiz kami."
Napakamot siya ng ulo. Naalala niyang humingi nga pala ito sa kanya ng one-five kagabi dahil may ipapasa daw na naman na project. Ang gastos talaga.
"Transfer ko nalang sa bank mo. Wala akong cash ngayon." Sabi niya.
Mabuti nalang at bayad na yung invitations na ginawa niya nung isang linggo. Pumasok na rin sa paypal yung bayad nung kliyente niyang nagpadesign sa US.
Isang taon nalang naman. Bulong niya sa sarili.
Siguro naman after grumadweyt ng bunso nila, mababawasan na ang gastos. Makakaipon na siya para sa sarili niya. Wala pa siyang naitabi gaano pang retire. Ilang taon nalang din ang bibilangin at alam niyang kailangan paghandaan yon. Wala naman siyang ibang aasahan.
"Nasend ko na. Teka. Chocolate ba yang kinakain mo?" Tanong niya.
"Ferrero." Sagot naman ni Germalyn.."Padala ni Mommy."
Napakunot ang noo niya. Wala namang binanggit si Tita Analyn na may padala. "May mani yan. Meron pa?"
"Ew naman. Ang patay gutom ha."
Ngumiwi siya. Wala siyang hilig sa matamis. Di naman siya manghihingi.
"Siguraduhin mo lang na wala yan sa ref sa kusina. May allergy si Miggy sa nuts, baka makuha ng bata." Paalala lang niya. May sarili naman kasi tong maliit na ref sa kwarto. Kaya nga ang laki ng bill ng kuryente nila.
"Naman." Umikot lang ang mata ni Germalyn saka padabog na umalis.
"Umuwi ka ng maaga, baka maabutan ka ng ulan." Pahabol niya. Ewan kung nadinig pa yon.
Huminga uli siya nang malalim. Yon nalang talaga magagawa niya.
Minsan talaga naiinis na siya sa kapatid. Iniintindi nalang niya dahil bunso. Isa pa baka magka-issue na naman sila ni Tita Analyn kapag pinatulan niya. Ayaw niya ng gulo kaya siya dapat ang makisama.
"Vivi, oks na si shelf." Sabi ni Byron pag-akyat sa kwarto. May bitbit din itong isang basket. "Inakyat ni Joey yung van mo sa parking ng SM. Free naman."
"Salamat, By ha." Aniya. Ngumiti siya. Mabuti nalang may aasahan siya.
"My goodness. Kumuha ka na kasi nang helper, no." Sabi naman ni Pilar. Buhat na nito yung isang printer paakyat saka pinatong sa isang table doon.
Natawa siya. Maskulada talaga.
"Yes naman. Naghahanap na ako uli." Sabi niya.
Last year kumuha siya nung nag-i-start palang online business niya. Nakadalawa na nga kaso laging palpak. Una nagpapasok ng jowa sa bahay twing walang tao doon. Panglawa naman kinukupitan sila.
"Where to go ba mga sisterettes mo at hindi tumutulong?" Sabi uli ni Pilar. "Nakasalubong ko si Lyn-lyn, ah."
"Hay naku." Sagot niya. Napakamot pa ng ulo. "Si Ela, may raket kagabi, di pa umuuwi. Si Germalyn ayun, pumasok."
"May pasok ang college? Suspended girl." Si Byron naman. "Ano siya magpapaka-mermaid under Espanya?"
"Wala ba? Di ko alam." Ngumuso siya.
Saka di naman siya aware. Nung ilang taong nag-college siya, di naman sinususpend kahit may signal no.3. Nung Ondoy nga ang di niya makalimutan dahil working student student din siya noon. Pagkalabas niya ng shift niya sa Jolibee, five feet na yung tubig sa daan. Muntik na siyang malunod nung sinubukan niyang lumusong para pumasok pa sa school.
Wala na naman siyang magagawa kay Germalyn. Nakaalis na. Babalik naman siguro agad. Mamayang gabi pa ang landfall ng bagyo.
"Baka sisilay sa jowa, yaan mo na." Biro niya.
"Meney sayo Pi-pi. Go parin kahit bahamas na para sa hada." Sabi ni Byron kay Pilar sabay halakhak ng matinis.
"Gaga, i-damay ba ko?" Sagot naman ni Pilar. "Pakainin kita ng printer, you want?"
Natawa nalang siya at napailing. Ang ingay na naman ng dalawa. Alas otso na pero tulog pa si Miggy, panigurado magigising mga yon dahil sa mga tili nga mga to. Kailangan na niyang mag-prepare ng breakfast.
"Guilty, beh?" Si Byron parin na humahalakhak. "Remember nung college, witit knows ni mudra mo na gumogorabels ka lang sa school para sa nota. Ay! Si mudrakels, givesung lang nang givesyung ng datey. In the end, waley!"
"Ay! Si Jesse ba ito?" Singit niya habang nagtitipa sa phone.
Magpapa-grab nalang siya ng Jolibee para almusal ng mga kaibigan. Pampalubag loob kasi sumugod dito ng madaling araw para tumulong sa kanya. Hindi pa naman baha, makakadating pa ang mga riders.
"Shuta, pinaalala pa. Mas malaki na bobelya sakin noon. Jessica na siya."
Natawa uli siya sa sinabi ni Pilar. Nagdrop-out din to noon dahil nagkajowa nung college. Tapos utang ng utang kaya pati yung pang tuition binigay na. Tapos tong si jowa, one day, bigla nalang naglaho na parang bula, yun pala pumunta na ng Thailand, pagbalik mas maganda pa kay Pilar.
"Friends parin kami saka binayaran na ako. Yayamanin ang bakla. Nakadale ng Hapon." Tuloy ni Pilar. Kung nung una laging galit pag pinapaalala nila, ngayon tinatawanan nalang. Mabuti at nakamove-on.
"Huys, keri na sa inyo chicken? Papadeliver na ako." Sabi niya.
"Ay gow aketch!" Sabi ni Byron sabay palakpak. "Si Joey pabalik na rin, gutom na yon."
"Naol me jowa." Sabat ni Pilar sabay irap.
"Oo nga, sana all." Sabat niya din habang nag-checheck out ng oorderin sa Grabfood. Buti pa talaga sina Byron, ten years na tapos going strong padin.
"Hoy, may Jason Mwahmwah kana. Anong sana all?"
"Hah?" Sinong Mwahmwah? "Si Ito?
"Guuuuurl. Si Aquaman, hinahanap ka pala nung last fitting. Tanong nang tanong kung asan ka." Si Pilar na naman. "Ay! Iba ang kamandag! Ba't di ka kasi sumama?"
Hindi nga pala niya naikwento ang nangyari sa date nila ni Ito. Hindi naman ganoon ka relevant. Ayaw na niyang pag-usapan.
"Busy ako." Aniya sabay buntong-hininga. "Thirty mins pa daw yung food. Bababa muna ako ha, timplahan ko kayo ng kape." Sabi niya.
"Ay. Ay. Anong ganap?" Dinig pa niya si Byron bago bumaba. Di na niya sinagot yon.
Obvious na super boto ang mga kaibigan kay Ito. Pati na nga ni Tita Angelu. Mapapasama ang image nito pag nalaman pa nila yung naganap nung date.
"Hay. Lilipas din yan." Bulong niya sa sarili. Makakalimutan din nila si Ito katulad nung ibang mga lalaking tinutulak sa kanya ng Tita niya.
Napansin niya agad ang mga nagkalat na gold wrapper sa sahig pagtapak sa kitchen. Napailing siya.
Si Germalyn talaga, may pagkaburara.
Pinulot niya ito isa-isa pero napatigil din nang marinig siyang humihikbi.
Oh my god!
"Miggy!"
Agad siyang lumapit sa bata. Namamaga na ang mukha at namumula. Mukhang nahihirapan na ding huminga.
"Ta..ta."
Shit! Tangina! Yung mani!
"Byron! Pilar! Tumawag kayo ng sasakyan!" Sigaw niya. Agad naman niyang nadinig ang mga kalampag ng mga ito galing sa taas.
Naghagilap agad siya sa mga cabinet, alam niyang may nakatagong epipen doon. Bumaling uli siya kay Miggy nang makita at niyakap ang pamangkin nang mahigpit. Saka niya ginamit yung epipen. Umiyak na naman ito uli.
"Sorry...sorry, baby.."