Huminga nang malalim si Vivi habang ini-strum ang gitara. Kinuha niya yon sa display ni Buds. Hindi naman siguro magagalit kung hihiramin niya sandali. Pampaantok lang.
"Hay..."
Napasobra ata yung ginawa niya kay Ito. Napa-walk out na nang tuluyan. Na-carried away lang naman siya kanina sa pang-aasar dito. Masyado yata siyang naging aggressive kaya natakot. May lalaki palang natu-turn off sa ganoon.
Tatanggapin nalang siguro niya ang katotohanan na aamagin na lang talaga nang tuluyan ang pepe niya. Sayang at bagong pa wax pa naman yon. Di niya na i-showcase man lang yung pagka-pink.
Sabagay inaantok na rin naman siya. Anytime pipikit na mga mata. Siguro kung hihiga siya ngayon, diretso na siya sa dreamland. Sayang lang yung chance.
"Hay...."
Marahan niyang kinalabit uli ang gitara. Uuwi na rin naman sila bukas, susulitin nalang niya para makapagpahinga ang gabing yon. Minsan lang yung pagkakataong gantong bakante. Bukas panigurado, puro raket na naman ang pagkakaabalahan niya. Puro trabaho para kumita.
Naiingit din siya minsan sa mga kapatid dahil pa-chill-chill lang. Walang inaalalang mga gast0 wasos at bills. Nagagawa parin ang mga bagay na gusto nilang gawin. Pero wala siyang magagawa dahil siya ang panganay, siya ang dapat magsakrpisyo.
Tapos eto nga. Tatanda nalang talaga siyang ganoon. Walang happening sa buhay. Puro hanap ng datung.
"Kada hakbang sa lupa'y para akong inaanod...Nalulunod sa batikos ng mundo. Sa kung ano lamang ang kaya ko.
Pigang-piga na sa mga problemang di masolusyonan agad. Parang wala nang bukas....pwede bang umiwas.."
"Hinahanap ang sarili ngunit di na kakayanin...sa ligaw na dinadaanan ko. Saan na to patungo. Saan na ko patungo..."
Napahikab uli siya. Grabe, effective talaga yung alak kanina pampaantok. Paniguradong mahaba ang tulog niya at--
"Ay kapreng malaki ang t--Ano ba, Ito?!"
Nakita niyang nasa pintuan si Ito at nakasandal. Nakahalukipkip pa. Mukhang kanina pa nandoon, hindi lang niya napansin. Muntik na nga niyang mahulog yung gitarang hawak. Lagot siya kung sakali, hiniram na nga niya nang walang paalam, masisira pa. Mamahalin pa naman. Ilang kasal pagtratrabahuaan niya para maabot ang presyo.
"Marunong ka palang tumugtog. Bakit ka tumigil?"
"Luh, mahal to. Baka masira ko pa pag tinuloy ko." Marahan niyang binaba sa stand yung gitara. "Pangarap ko pa dating magkaroon niyan. Wag mo ko isumbong kay Buds ha."
"You have a nice voice, by the way," sabi naman ni Ito. Napangiti siya. "Sanay ako sa videoke. Pag walang-wala din, kumakanta ako sa events. Maski nga mga burol eh," aniya. "Ikaw? Bakit bigla-bigla ka naman kasing sumusulpot? Scary kaya. Kala ko kung sino na." Ngumuso siya.
"Magugulatin ka nga pala." Sinara na nito ang pinto at lumapit sa kama. May pa-slow pa ang mamang balbon paglapit. Itunupi pa nito yung manggas ng suot na polo.
Napalunok siya.
"Ba..Ba't ka..bakit ka nga ba bumalik?" Medyo kabado na niyang tanong.
Ay ano to? Tuloy na jugjugan? Magpapalo na siya?
Umupo na ito sa tabi. Medyo lumubog pa nga dahil sa bigat.
"I just wanted to..."
What...jusko. Pepe niya nagcla-clap na. Feeling niya mawawala na ang agiw don.
Pero tumigil si Ito Matagal, na parang may iniisip. Pagtapos ay huminga nang malalim. Parang may gusto talaga itong gawin pero nagdadalawang-isip na ewan.
"...say sorry."
Napakurap siya. "B-Bakit?"
Ba't nag so-sorry? Ba't parang feeling niya siya yung naging victim? Siya naman yung namwemwersa kanina.
"Ah..."
Mukha kasing s*x den dito kasi daming accessories churvaloo. Pero kay Buds naman kasing kwarto yun, obvious naman sa mga display ng records saka mga gitara. Malay ba ni Ito doon. Mukha nga rin tong nagulat kanina. Hindi naman siguro sinadya na dahil siya nito doon.
Saka ok lang naman sa kanya.
Lumingon siya kay Ito at nagtama uli ang mga mata nila.
"Fuck..." Bigla nalang itong umiwas ng tingin. "..di ko kaya."
"Ha?" Hahampasin na niya to ng tsinelas.
Ano na naman yung binubulong? Anong hindi kaya?
Kainis. Hindi talaga epektibo ang alindog niya.
Sabagay, hindi naman siya kasing ganda nung si Kristina. Di siya sing sexy. Siguro naguguluhan lang itong si Ito kaya sinabing gusto siya.
Baka naman gusto siya a friend lang genern. As a daughter? Yuck naman nun, i****t.
As a pet?
Nahampas tuloy niya ito sa balikat. Di naman malakas pero umigik. "Ah...Aray, Vivi."
"Umamin ka nga, pinagnasaan mo lang mo ako kahit papaano?!"
Hindi siya mapakali kaya tinanong na niya. Baka bangungutin pa pag di niya nalaman ang totoo.
"Ano ba naman kasi? Nakaka-offend ka na ! Hindi ba ako maganda? Di ba ako makinis? Di ba ako mabango? Nag-shower naman ako. Nag-toothbrush. Nagpalit ng panty," aniya. "Teka. Naliliitan ka pa ba sa dede ko?
"
Hinawakan niya ang mga dibdib at inangat. Hindi yon perky ngayon syempre wala siyang bra. Hindi naman siya nakapagdala ng extra dahil biglaan lang naman yung naging ganap kanina. Malaman mga yon kaya naaapektuhan ng gravity.
"Vi-Vivi.." Napalunok lang si Ito pero titig na titig naman.
"Daddy, ano nga?!"
"Oo!" Malakas na sambit nito.
"Oo na. f**k! Oo na! Damn, why do you look so good?" Napahilamos na naman ito na hindi parin inaalis ang tingin sa boobs niya.
"You're hot, ok? You turn me on. Tao lang ako. And I do...want...to...fuck!" Napatakip pa ito ng mukha.
Luh. Stress na nga.
"Sorry...I'm just...Sorry na, Vivi."
"Ba't ka nagso-sorry? Jusko naman."
"Fuck..I'm so sorry. I didn't mean to." Napayuko nang tuluyan si Ito habang nakasabunot sa buhok. Inglesero kapag nai-stress pala.
"I don't want to scare you. You're different from the other girls that I dated. Ayokong isipin mo na binabastos kita," sambit nito.
Nagpipigil lang pala.
Napangiti siya. Ngayong na realize na niya ang totoong dahilan ni Ito, at ease na siya.
Jusko naman kasi, parang lumubog ang confidence niya kanina. Akala naman niya wala siya appeal. Na walang libog na nararamdaman man lang sa kanya ito. Grabe yun. Muntik na din siya maghinala.
"Ito...huy." Tapik niya. Mukhang shonga lang dahil nakayukyok parin ang ulo. Guilty na guilty. Pano kaya nito naisip yon? Siya naman ang nagpapakita ng motibo na. Hindi pa ba halatang gusto niya ring magpa-jugjug?
Saka para mawala na ang agiw sa femfem. Hindi na sad. Kaysa naman kung kani-kanino lang siya makipag-s*x, at least type niya rin naman si Ito.
"Ok lang sakin yon, ano ka ba?"
Nag-angat naman ito at tumingin sa kanya. Nakakunot ng bahagya yung noo na parang nagpapaawa.
Pambihira. Ang laki-laking mama. Di bagay.
Huminga siya nang malalim at humikab. Umayos na rin siya ng upo at humarap na dito nang tuluyan.
"Actually, nakakatuwa. Ngayon lang ako nakilala ng lalaking gaya mo. Kung iba siguro kanina pa gri-nab yung pagkakataon." Sabi niya.
"Pero gusto ko din sanang i-try eh. Pero ok lang kung ayaw mo talaga."
"So that means..."
"That means na?" Ulit niya. Inangat niya ang tingin at nakita niyang nakatitig na si Ito sa kanya.
"You want to do it?"
Tumango siya at pinamulahan ng mukha. Parang may nagbago sa aura ni Ito. Parang nag-shift sa ibang katauhan. Naging kontrabidang manyak uli.
Not that na narereklamo siya. Hot na kontrabidang manyak naman.
Naalala niyang nakulong nga pala ito dahil napagbintangan. Baka yon ang dahilan kaya kailangan nitong manigurado. Natrauma na yata. Baka natakot nga na ma-DSWD.
Wait...ba't DSWD? Di naman siya minor. Mukha lang.
Pero yes Daddy, bastusin mo aketch ehe.
"I want to know first if you want this, Vivi. Answer me."
Naramdaman niya ang nga daliri nito sa pisngi. Hanggang sa marahang humahaplos na ang mga palad nito sa mukha niya. Pababa sa leeg.
Oh my god...I cho-choke niya talaga ako.
"Vivi. Hmmm." May kasama pang malalim na growl yon. s**t. Ang hot pakinggan.
"Yes..yes Daddy."
Hindi ito nagsalita. Unti-unti lang bumababa ang labi nito sa labi niya. Unti-unti din siyang napapapikit. Parang nakakalasing yung hininga nito. Hindi niya maintindihan.
"How do you like it?" Bulong nito. "Slow? Soft? Hard?"
Gusto niyang sumagot pero parang may humihila na sa kaluluwa niya. Hindi na rin siya makagalaw.
Bago pa tuluyang lumapat ang labi nito, tuluyan na ding dumilim ang paligid. Naramdaman nalang niya ang malambot na kama. Tuluyan na siyang nadala sa lugar ng panaginip.
"Vivi....Vivi? Vivi?"
***
Bahagyang natawa si Ito. Nakatulog na nga nang tuluyan si Vivi. Naririnig niya ang mahinang hilik. Kahit na nga anong tapik niya, di ito nagigising man lang.
Halata naman niya kanina. Mukhang antok-antok na ito habang nakikipag-usap. Hikab na nang hikab. Pinipilit lang.
Hindi na rin naman siya nagulat sa nangyari. Alam niyang pagod na pagod si Vivi. Hindi pa talaga ito ang tamang oras.
Hinaplos niya ang mukha nito. Mukha talagang manika kapag tulog. Mukhang inosente. Kabaligtaran kapag nagigising.
Marahan niyang inalis ang tsinelas ni Vivi. Inangat niya rin ito para maiyos ang higa sa kama. Natatawa pa siya dahil di man lang naaalimpungatan sa ginagawa niya. Napakalalim lang ng tulog. Walang nararamdaman kahit na--
Hindi. Hindi magandang imahe.
Hindi talaga niya maintindihan ang sarili. Yung takot niya kanina sa magiging reaksyon nito. Na baka ma-turn off ito sa kanya at layuan na siya. Na baka mawalan na siya nang pag-asa. Kung sa ibang babae siguro madali pa niyang matatanggap.
Siguro nga. Siguro iba talaga si Vivi.
Iba na talaga ito.
Marahan niyang kinumutan ito at tumayo na sa kama. Sakto noon ang pag tunog ng cellphone sa bulsa.
Napasuklay siya sa buhok nang makita kung sino ang tumawag. Mabilis siyang lumabas ng kwarto para sagutin yon.
"Kristina."
Napabuga siya ng hangin. Ilang beses na yon. Ano ba ang kailangan nito sa kanya na naibigay na niya noon pa?
Fuck.
"Are you sure that's mine?"