Daddy

1374 Words
"So, ano na?" Tanong ni Vivi sa katabi. "Ummm..." Ano nga ba pangalan nitong kapreng to? "Carlito, diba?" Jusko pang kontrabida pangalan talaga, naisip niya. Pang pinuno ng sindikato. Yung maraming mga tauhan tapos tatawagin "mga bata" "Ito nalang." Sagot nito. Seryosong-seryoso. Ito...Yep. Mas ok. Mas tunog mayaman. Mabuti naman at ang volunteer na itong ihatid siya. Medyo kapakalan din yon ng mukha dahil siya na nga ang nang-abala. Pero wala naman siyang magagawa. Ni wala nga siyang perang pamasahe. Maski cellphone. Hindi niya nadala ang bag niya. Buti nga at pinahiram siya nito kanina at nakatawag sa mga kapatid sa bahay para sabihing safe siya. "Yung number ko asa'yo na. Kung may reklamo, ka tumawag ka agad." Sabi ni Ito. "Pero promise wala talagang nangyari, wala akong ginawa sayong kahit ano." Naningkit ang mga mata niya. "Kahit ano? Hindi mo talaga ako minolestya? Di mo man lang pinisil dede ko? Di mo sinilip pekpek ko?" Ngumiwi ito. "Hindi nga. Kaya nga tinatanong kita kanina kung gusto mo pa magpa-medical kung di nagtitiwala." Ah so yun pala yun. Sabagay wala namang talagang masakit. "Eh ba't na nakahubo kanina?" Nakapakusot ito ng ilong. "Sinukahan mo T-shirt ko kaya ako naghubad. Dapat sa lapag ako matutulog kaso ayaw mo akong bitawan kagabi." "Anong ayaw bitawan?" Tanong niya uli. Hala wala talaga siyang matandaan. Pero alam niya nanaginip siya na may hinahabol siyang teddy bear. Sabagay, mabuhok nga naman 'tong mamang to. Mukha talagang bear. "Di ako alam. Dapat aalis na ako doon kapag lumalim na uli tulog mo. Kaso nakatulog na rin pala ako sa pagod. Di ko naman akalaing mauuna kang magising." "Ah.. ok." Sabi niya. So wala talaga. May ganoon pala talagang lalaki. Baka badingers din? Hmm. Parang hindi naman kasi may kausap na jowa kanina. Baka loyal lang talaga. Swerte ni girl. Sana ol. "Nagsumbong sa mga pulis mga kasama mo?" Tanong nito sa kanya. Tumango naman siya. Si Byron kasi na luka-luka, nagpanic pala nung di siya madatnan sa kotse nila. Tapos si Pilar, tri-ny pa daw siyang tawagan pero dahil sa sobrang kashongaan at kalasingan, naiwan niya yung gamit niya sa table na pinag-inuman nila. Ayun ang mga bakla, mega-call sa mga cops. "Ay...ok na yon, wag mo nang intindihin. Nakausap na nila. Hinatid na rin sa bahay yung gamit ko." Sabi niya. Grabeng abala na talaga bitbit niya, naisip niya. Di na talaga yon mauulit. "Magkano ba damage ko?" Tanong niya. "Ha?" "Hakdog." Aniya sabay ngiwi. Gantihan lang. Hinatdog siya nito kanina. "I mean magkano need mo, pambayad sa abalang ginawa ko." Di naman siguro aabot ng daang libo ito no? Willing naman siyang mag-pay. Saka kausapin din niya yung girlfriend para makapagpaliwanag kung kailangan. Umiling si Ito pero nakatingin parin sa daan. Kumunot pa ang noo at nag-flex ang panga. Nakaka-amaze. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon sa totoong buhay. Sa libro lang niya yon nababasa. Nakaka-macho nga tingnan. Kung sabagay. Masyado lang kasing nakasinghal ang pagmumukha nito kaya mukhang mabagsik. Pero may hitsura naman. "Oi." Nguso niya. Ang tagal kasing sumagot. Mukhang pinag-iisipan talaga. Hala, baka katawan naman niya hingiin. Di nakascore to kagabi nung wala siyang malay. Baka trip nito yung nanlalaban. Tapos sisigaw nang: 'Wag...wag....wag kang tumigil please...!' Ay putangina. Nalihis ang utak niya. Pero matatanggap pa siguro niya kung ito ang wa-warak ng hymen niya. Kaysa naman sa pawising matanda at pangit na lalaking malaki ang tyan. Tapos wala pang leeg. Shet. "Di ko kailangan ng bayad." Sambit ni Ito. "Wag mo lang ulitin yung ginawa mo." Humalukipkip siya. "Sorna. Di ko naman akalaing malalasing ako, medyo matagal na akong di nakakatikim ng alcohol eh..." "Wala namang kaso yung pag-inom. Pero sana konting ingat din. Wag kang sakay nang sakay kung saan-saan. Pano nalang kung masamang tao pala napuntahan mo?" Napakagat siya ng labi. Ewan pero parang kinilig siya sa concern nito. "Wow ha. Coming from a stranger na tulad mo. Para kang tatay ko." Sabi niya. Tapos bigla siyang napangisi. "Can I call you daddy?" Nakita niyang nag-flinch ito. Nalukot ang mukha na parang constipated at may di makalabas na tae. "T-tumigil ka nga." Umirap siya. Ano ba naman yan? Kung gaano ka tapang yung hitsura, ganoon naman kalamya yung pagakakasabi. Yung pagpapatigil wala man lang conviction. Dapat may force. "Daddy?" Itinaas niya ang kamay at dinutnut ng hintuturo ang pisngi nito. "Daddy..." "Please." "Please what, Daddy?" Nagkagat-labi pa siya. "Please, ayokong magkakaso dito. Hindi ako pumapatol sa menor de edad." Grabe sya! Menor de edad! "Hoy! Twenty-nine na ako!" Singhal niya. "Hindi halata." "Sakit sa heart ha. Dahil pandak na ako, ganern? Dahil four eleven lang ako, genern?" Sabi niya. Ngumuso pa siya. Napahawak pa sa dibdib. "Ouchie, ah." "Isip-bata ka," mabilis na sagot nito. "May tama ka parin ba? Uminom ka ng kape tapos matulog ka, ha." Anu yun kape tapos matutulog? Adik lang? "Hmmp. Palibasa kasi tanders ka na. Ilang taon ka na nga?" "Thirty-one." Napataas siya ng kilay. Di naman pala nagkakalayo edad nila. Pero bakit parang mukhang mas matanda sa kanya ng ilang dekada? Seryoso. Mukhang walang thrill sa buhay. "Andito na tayo sa Brookside. Saang street ka dito?" Sambit nito. Napalingon siya. Oo nga. Nakarating na pala sila. Nasa gate na sila. Di naman kasi kalayuan yung apartment nito kanina kung saan sila nakatira. "Ay...diretso lang tapos liko sa kanan. Tapos sa pangalawang street, liko ka sa left tapos doon sa may puting gate." Sabi niya. Tumango lang ito saka sumunod. Di parin siya mapakali. Hindi pwedeng walang maging kapalit yon. Saka di siya komportable na magkaroon ng malaking utang na loob sa iba. "Ganto nalang, serbisyo nalang kapalit." "Hindi nga ako papatol sayo." "Grabe ka talaga, Daddy." Napanguso siya. Hindi ito sumagot pero gumalaw naman ang balikat nito na parang kinilabutan. "Rakitera ako sa mga events. Kung kailangan mong magpaparty ng bongga, pwede mo akong kontakin. Pwede din akong mag-organize. Kahit walang pay basta quits na tayo." Sabi niya. Nagkibit-balikat lang uli ito. "Ikaw, bahala ka." Malayo pa sila natatanaw na niya sina Byron. Si Ela andun din. Kaway ng kaway sa kotseng sinasakyan nila. Ano siya artista? Mga luka-luka talaga. "Mga kaibigan mo?" "Oo, saka yung babaeng matangkad kapatid ko." Sabi niya. Bumaba siya ng kotse nang tumigil ito. Agad na sumalubong si Ela sa kanya tapos yumakap pa nang mahigpit. "Ate...Atee.. jusko naman akala naman namin na tokhang ka na!" "Gaga, may saltik ako pero di ako adik." Sabi niya. "Saka may insurance ako. Dapat matuwa ka kung matitigok ako, gaga ka." "Ate naman." Sagot nito. "Dinga?" "Pinagsamantahalan mo ang puri ng kaibigan ko! Lumabas ka dyan, ulupong!" Napalingon siya. Si Byron yon. Nagiging amasona na naman. Sinabi naman niya kanina na walang nangyari sa kanya. Kinakatok ang bintana ng kotse ni Ito. Si Pilar naman nakaharang sa dadadaan ng kotse. As if naman tatakas tong isa. "Hoy! Kalma mga beshie! Ano ba yan!" Saway niya. Nakakahiya na doon sa tao. Pero mukhang di din nagpapigil itong si Ito. Binuksan at lumabas na din. Napaatras naman ang dalawa. Nagtatakbo pa sa likod niya. "Hail, Mother Mary..." Bulong ni Pilar sa kanya. "Yan yung bumutas sayo, girl? Buhay pa lamang loob mo?" "Gaga." Singhal niya. "Birhen pa ako." "Kayo ba yung kasama ni Vivi?" Sabay turo sa kanya. Napakagat siya ng labi. Ba't ang cute pangkinggan yung pagkakasabi ni Ito sa pangalan niya. Parang Bibi. Tapos si Ito yung Dadi. Ay. No. Di siya napatol sa kapre. Saka may jowa na eh. Wag kasing marupokpok. Si Byron ang nagpatiuna. Nakipag-shake hands pa tapos isinukbit ang patilya sa tenga. Parang tanga lang. "Haha, y-yes. Pasensya na sa kagagahan ni friend. Inabala ba you? Gusto mo tanggalan ko ng pancreas?" Sabi pa nito. "Bati tayo ha. Bigay ko sayo number ko." "Byron!" Singhal niya. Balimbing amputa. Hinarap na niya si Ito. Si Ela nakasunod naman sa kanya na sobra kapit sa braso niya. Parang kinikiliti ang kilikili. "Si Byron nga pala, tapos ito si Pilar. Kapatid ko si Ela." Pakilala niya. "Ahm. Pasok ka muna. Magpapa-grab ako ng fuds." "Ah. Wag na, may lalakarin din ako ngayon..." Sambit naman ni Ito. "Alis na ko. Mukhang ok ka na." "Okay..." May number naman siya nito. Hindi ito ang huli niyang pagkikita. "Sige. Bye. Salamat uli, Ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD