Pagkatapos ng mahabang sandaling tila pakikipagbaka sa bako-bakong daan ay bumalik sa aspaltong daan ang sinasakyan. Sinulyapan ni Xander ang dalagang tila nakatulog na ng tuluyan. Nais sana itong gisingin pero hinayaan nalang. She was sleeping peacefully in his arms like a child. Kailan nga ba huling nakaranas nang ganuon ang binata? He couldn't even remember. He also had past girlfriends, at sa tuwina ay madalas nilang maging posisyon ang ganuon. Ang kaibahan nga lang ay sa kama at hindi dahil nagtatago. Hinanda ang sarili sakaling bigla nalang gumawa ng ingay ang dalaga. At talagang para itong wala sa alanganing sitwasyon at komportableng natutulog sa ibabaw nito. Tiniis ni Xander ang mahaba pang byahe sa kabila ng pamamaluktod. Sanay naman ito sa mga ganuong alanganin posisyon pero w

