Pagdating sa itaas ay hindi napigilan ni Kiera ang makaramdam ng pangangalingki dahil sa pagdapyo ng malakas na hangin. Open area ang kinaroroonan ng pinakatuktok ng ferry o RoRo kung tawagin ni Xander. Naroon ang hilera ng mga upuan kung saan doon nakaupo ang mga pasahero. Short trip lang daw ang pupuntahan nila kaya walang mga kwarto. Nanginig siya sa lamig pero nang balingan siya ni Xandrer ay pilit niyang pinatigas ang mukha. "I'm hungry and thirsty." "I'm sorry to inform you but I don't have my wallet with me. Naiwan yun sa loob ng sasakyan ko." Sabihin pa'y natigagal at pinanlakihan siya ng mata. Maging siya ay wala ring cash. Anong mangyari sa kanila kung ganun? Marahas siyang huminga. Hanggang saan aabot ang mararanasang kamalasan? She wanted to curse! Magalit! Pero hindi niya i

