Loki's POV
"OMGGGG!! Nakita mo ba yun? Umilaw na ang ginawa natin!! Na-perfect natin ang inimbento natin!!" she suddenly exclaimed. She looks so happy, damn this woman for making my heart race. Napatingin din ako sa mga ilaw na hawak naming dalawa, and she's right umilaw nga ito. Napahiga kaming dalawa sa sahig nang bigla niya akong inambahan ng yakap, while saying "We made it! LOKI, WE MADE IT!"
"Hahaha relax. Sabi ko naman sa'yo eh, matatapos natin 'to." i said. Masaya kaming nagyakapan nang bigla naming maalala ang aming posisyon. She's on my top. Agad naman siyang umalis at humingi ng tawad.
"S-sorry, nadala lang." ani niya nang hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko.
"It's okay." i said then umayos nang upo. I fake a cough before saying, "Siguro yun ang winish mo no? Hmm, I'm starting to believe in wishing star now." dagdag ko.
"Huh? Hindi ah, iba ang winish ko." sabi niya. "Pero dahil natapos na rin naman natin 'to uuwi na ko, gabi na eh." she added.
"Yeah sure, I'll drive you home." after i said that we start cleaning our mess.
"Ah, pwede ko bang dalhin sa bahay itong isa mamaya? Para may maipakita lang akong prof kay ate." sabi niya sabay pakita ng isa sa mga inimbento namin. Sinagot ko naman siya na pwede. Pagkatapos naming maglinis bumaba na kami agad.
"Oh? I'm about to call you two kasi kakain na. Anyways, did you already finish it? Can i see?" Mom said nang magkasalubong kami sa hagdan.
"Ah yes po, ito po oh." aniya ni Gab sabay taas sa dala niyang lamp. "Ay, uuwi na nga po pala ako." dagdag niya.
"Huh? But i cooked dinner for us." Mom.
"Ah eh, sa bahay nalang po ako kakain baka hinihintay na rin po kasi ako nila Papa eh. Sorry po." Gab said. Tiningnan lang naman siya ni Mom na parang nagpapacute, tss. "Pero sabi po ni Papa bawal tanggihan ang grasya." bawi ni Gab dahilan na mapatawa si Mom.
"Yey, tara na sa kusina. I already prepared everything. Iwan niyo muna diyan sa sala yang ginawa niyo." Sabi ni Mom sabay kuha sa dala naming dalawa ni Gab, then she cling to Gab and drag her to the dining room. What the, ako ang anak mo Mom! Napailing-iling nalang akong sumunod sa kanila. Looks like Mom like her.
"Who is she, Mom?" bungad na tanong ng nakakabatang kapatid ko pagkarating namin sa kusina.
"She's your Ate Gab, anak. Your Kuya's classmate." sagot naman ni Mom.
"Hi Ate Gab, you're so pretty naman po." pangbobola pa ng kapatid ko.
"Lil bro, i think you need a glasses." sumabat na ako bago pa man makapagpasalamat si Gab dahilan na samaan niya ako ng tingin.
"Kuya, I think you're the one who needs glasses not me." My lil brother said. Napatingin ako kay Gab ng bigla itong natawa, tss. Benelatan niya pa talaga ako.
"Hahaha oh siya siya, maupo na kayo at tayo'y kakain na." singit ni Mom.
"Ate Gab, sit beside me!" My lil bro said, napatawa naman si Gab sa ka-cuteness ni Yohann sabay sabing, "Okay."
Habang kumakain kami ay nagkakasiyahan sila, yup sila lang, hindi na kasi nila ako pinapansin at puro kay Gab lang ang atensyon nila. I'm not jealous or what huh. Gustong-gusto kasi magkaanak ni Mom na babae but unfortunately we're all boys. And that goes with Yohann also, he wants to have a sister. Napapangiti nalang ako habang pinapanood sila, we're like a family.
"Ate Gab, wait me 'til I grow up huh." My lil brother said.
Kahit nagtataka man ay sinagot siya ni Gab, "Oo naman pft."
"Kasi I want you to be my girlfriend when I grow up na." Yohann said dahilan na sabay-sabay kaming mabilaukan lahat except Yohann ofcourse.
Nang mahismasmasan ay agad akong nagsalita, "Yohann, you're too young for that!" He's just 6 years old for Pete's sake!
"Kaya nga Kuya I said when i grow up"
"Ugh, what i mean is wala ka pang alam tungkol sa pag-ibig na yan, ang bata mo pa."
"Mom said I'm big boy na." paglalaban niya pa. Argh, napasabunot nalang ako sa buhok ko.
"Yohann, your Kuya's right. Dapat you should focus muna sa pag-aaral, hindi sa paggi-girlfriend-girlfriend." sabat ni Gab.
Hindi na nakaangal pa si Yohann sa sinabing iyon ni Gab at nagpatuloy naman na kami sa pagkain.
Gab's POV
"Mom, I want to come pleaseeeee?" That's Yohann begging his Mom. Gusto niya kasing sumama sa Kuya niya sa paghatid sa akin. Yohann is so cuteeee! It's okay for me na sumama siya.
"Lil bro, kung sasama ka sa amin mag-isa nalang dito sa bahay si Mom. Do you want to leave Mom alone?" Loki said. Tama nga naman siya, wala kasi silang maids dito kahit na mala mansion itong bahay nila. Ayaw raw kasi nilang maraming tao sa kanilang bahay, sabi ni Tita kanina habang kumakain kami.
"No, but..." Yohann said while pouting, ang cute niya talaga AAAAAA.
"No buts." Final na sabi ni Loki.
"Oh you heard that anak ha. Bid goodbye nalang kay Ate Gab, I'm sure babalik pa naman siya rito, right Ate Gab?" Tita said sabay baling sa akin. Naku, wala nga akong balak bumalik dito.
Ngumiti naman ako sabay sabing, "Yes po, tsaka mamimiss ko rin itong kakulitan ni Yohann eh." then i pat Yohann's head.
"Really ate?" paninigurado niya pa.
"Hahaha oo. Halika nga rito," sabi ko sabay luhod upang mapantayan siya para gawin ang kaninang gusto ko pang gawin, ang pisilin ang pisnge niya. Napaka cute kasi!
"Tama na yan, Gab. Let's go." sabi ni Loki at nauna nang maglakad palabas. Hinalikan ko naman sa noo si Yohann bago tumayo at nagpaalam na kay Tita.
**
"Good morning, class. Nagtataka siguro kayo kung bakit kasama ko ngayon si Sir Grey niyo, it's because we gave your two classmates a punishment for getting late in first day of school." Ma'am said. Yes, today is the day.
Marami pang sinabing kung ano-ano si Ma'am bago niya kami tinawag ni Loki sa harapan. Nagsitilian naman sila nang makita si Loki, tss.
Nilapag naman namin sa table ang ginawa namin ni Loki pero hindi pa nila ito nakikita kasi nakabalot ito.
"Good morning classmates. So, we were given a punishment that applies with Math and Science and that is, mag-imbento." panimula ko.
"Before we start, we'd like to ask some few questions." dugtong naman ni Loki. Maraming nadismaya nang sabihin ni Loki na magtatanong muna kami, mukhang gusto na nilang makita ang aming inimbento eh.
"Kapag may namimiss kayong tao na nasa malayo, paano niyo ito pinaparating sa kanila na namimiss mo na siya?" tanong ko. Maraming nagtaka pero marami ring nagtaas ng kamay para sumagot. Itinuro ko ang isa sa kanila para sumagot.
"By using cellphone ofcourse, through text, call, chat and skype." sagot ng kaklase naming parang coloring book ang mukha. Sinagot niya iyon ng parang asan ang common sense mo?
"Good answer, Miss. But what if you' out of load and theres no connection?" tanong naman ni Loki. Marami pa ring nagtataka sa aming mga katanungan. Mangilan-ngilan nalang ang nagtaas ng kamay dahil napaisip din yung iba sa tanong ni Loki.
"Yes Mr.?"
"Edi magpaload bro, hahahaha easy." sabi nung lalaki naming kaklase at nagtawanan naman silang mga kaibigan niya.
"Okay, last question. What if you miss someone you love- for example your ex and you haven't move on yet- and you're too shy to text, call or chat her/him? Anong gagawin mo para iparating sa kaniya na namimiss mo na siya?" ako naman ang nagtanong. Natahimik naman sila sa tanong ko. Nagkatinginan naman kami ni Loki at ngumiti sa isa't isa ng bahagya dahil yan talaga ang goal namin sa pagtatanong.
May biglang tumayong babae sabay sabing," That's ridiculous! Edi hindi namin iparating sa kanila na namimiss namin sila! We can miss the person without him/her getting know it." Maraming sumang-ayon sa kanya, she got a point din naman.
"Tsaka bakit ba kayo tanong pa nang tanong? Ipakita niyo na kung anong inimbento niyo." dagdag pa niya. Sinang-ayunan naman siya ng mga kaklase namin na sinasabing "oo nga!"
"Woah, chill guys. Ito na nga ipapakita na namin." Sabi ni Loki kaya naman tinanggal na namin ang pagkakabalot sa aming ginawa.
"HAHAHAHA AYAN NA YUN? DALAWANG LAMPSHADE? PFT BWHAHAHAHA" Sabi ng kaklase naming lalaki na napapahawak pa sa tiyan kakatawa, sinabayan naman siya ng mga kaklase ko. Huh, ANONG LAMPSHADE LANG?! PINAGHIRAPAN NAMING GAWIN YAN! Pero syempre hindi ko yan sinabi.
"EVERYONE QUIET! DON'T UNDERESTIMATE THEIR INVENT! WE DON'T KNOW HOW HARDWORK THEY DO TO DID THAT!" Sigaw ni Ma'am dahilan na matahimik silang lahat, buti nga. Tiningnan naman kami ni Ma'am na parang sinasabing "Go on, continue." And so we did.
"So, we called it 'Heart lampshade' because its shape is obviously, a heart. But that's not actually the real reason behind the name, we named it 'Heart Lampshade' because it can tell to your love ones that you miss them without actually telling that you miss them." Paliwanag ko. Kita ko sa kanilang mga itsura ang pagtataka, pagtatakang papaanong isang lampshade ay makakapagsabing 'namimiss kita' sa iyong mahal. Pati sa Prof din namin kita ang pagtataka sa mukha.
"She's right, this two lampshades can tell to your love one that you miss them without actually telling them. Not literally huh." Loki said and chuckled dahilan na mapatili ang iba. "This two lampshades can communicate even though they are far away from each other." Loki added then he looked at me telling me to continue it.
"They can communicate through touching one of them," I continued then touch one of the lampshades and it light up, then the other lampshade light up without me touching it. I heard gasps and wows from my classmates.
"You see these two lampshades are connected to each other. If you touch one of the lampshades the other lampshade will light up automatically, and that's the way to tell the one holder of the lampshade that you miss that person." I continued. They seemed pretty interested.
"That's why we asked those questions earlier. You just need to give this one lampshade to your love one then the other one is yours. So if you miss that person, just touch it." Loki.
"See? No hassle involve. Hindi katulad sa teknolohiya na kailangan mo pa mag type masabi lang na namimiss mo na sila." Pagtatapos ko sa aming presentation.
Mahabang katahimikan ang namayani tapos bigla silang nagpalakpakan, may standing ovation pa nga. Napangiti naman ako, success.
Marami akong iba't ibang papuring narinig at hindi rin maiwasan ang mga negatives, tulad nalang ng..
"Wow, ang galing nila! Kyaah mas lalo ko tuloy naging crush si Loki."
"Kita mo namang girlfriend niya si Gab, tanga ka talaga wala ka ng pag-asa sa kaniya."
"Crush lang naman, bes!"
_
"Gago, ang angas pre! Akalain mo ba namang hahawakan mo lang yung isa tapos matic na iilaw yung isa?"
"Oo nga, pre. Nahirapan siguro silang gawin yun."
"Pero alam mo pre parang gusto kong bilhin yan sa kanila."
"Eh? Bakit naman?"
"Gusto ko ibigay kay Julia yung isa, alam mo namang mahilig yun sa romantic. Imagine, pag gising niya nakita niyang umiilaw yung nasa kaniyang ilaw tapos kikiligin siya umagang-umaga pa lang."
"Corny mo mainlove, ul*l!"
_
"Psh, if i know hindi sila ang gumawa niyan."
"Omg, we have the same theory! I cannot imagine they did that, theyre just students like us!"
"Truetoo! I isip that they're magulang did those ilaw not them!
"WOAH! We didn't expect that from the two of you. Akala ko puro pag-ibig lang ang alam niyong atupagin kahit na medyo may pag-ibig din dito sa lampshades niyo hahahaha." Ma'am said, you can see in her face that look like 'UNBELIEVABLE!" We shake hands together with Sir.
"Yeah, I agree with her. You two did a great job." Bati rin sa amin ni Sir.
"Thanks Ma'am, Sir. And btw, about po dun sa kung paano namin ito ginawa, mga formulang ginamit namin at kung anong strategy ang aming ginawa ay isinulat po namin sa isang bondpaper, here." Sabi ko sabay abot sa kanila nung dalawang bond paper, one for Ma'am, and one for Sir.
"We do not want to mess with our presentation. So that we didn't include it in our presentation earlier." Dugtong naman ni Loki. Tama siya, nung ihunatid niya kasi ako kahapon pinag-usapan namin kung paano namin ito ip-present, and it's his idea.
"Oh, it's okay. Napahanga niyo nga ako nang ganoon lang eh, paano pa kaya kapag dinagdag niyo pa ito? Hahaha. I expect kasi na wala kayong mai-present sa amin ngayon at kung meron man ay hindi ganito ka organisado, and you proved us wrong. Congratulations to the both of you, your exempted in preliminary exam. "Ma'am said. Wow, may isang salita si Ma'am. Akala ko kasi hindi yon legit. We just thanked Ma'am and Sir.
"Quiet everyone!" pagpapatahimik ni Ma'am sa mga kaklase kong nagc-chismisan na pala. "Dahil napahanga ako sa presentation ng dalawa niyong kaklase, the remaining time is yours now. Hindi na ako magk-klase kaya bakante niyo ngayon." Announce ni Ma'am.
"WOOOAAHH!!"
"YEEESSS! FREE TIMEEE!"
"TARA GALA!!"
"DABEST KA TALAGA MA'AM, WITWEW!!"
"SANA LAGING MAY PRESENTATION PARA LAGI RING MAY FREE TIME!"
ANG INGAYYY! Pero kahit ako rin sa kaloob-looban ko masaya ako dahil sinong hindi sasaya sa free time?! Napailing-iling nalang si Ma'am at Sir dahil sa kaingayan nila. Bago sila umalis dinala nila ang aming heart lampshades, kasi kahit na napahanga raw namin sila sa presentation kanina gusto raw nilang makita kung tama ba iyong formula at strategy'ng ginamit namin para maimbento yung heart lampshades.
"Tara Gab!" Bigla akong hinila ni Loki papalabas ng classroom, saan nanaman kaya ako nito dadalhin?! Pagtingin ko sa kaniya dala-dala niya na ang kaniyang bag at bag ko, aba't!
"Hoy teka! Saan mo naman ako dadalhin?! At bakit dala mo ang bag ko?!"
"Magc-celebrate tayo!"
"Saan naman?"
"Sa labas, I heard that there's a newly opened cakeshop near here."
"Teka teka.. Magc-cutting tayo?!"
"Huh? Didn't you heard Ma'am said? It's our free time today, so it means we're not cutting."
"Pero lalabas tayo! Alam mo namang kahit na vacant bawal lumabas basta may pasok ang iba pa."
"Edi iisahan natin yung guard."
"WHAT?!"
Hindi na niya ako sinagot at nginisihan nalang. Bad influence, help! Kahit kailan hindi pa ako nakakapag-cut noh. Nal-late lang ako at natutulog sa klase. Ngayon ko lang din napansin na nakahawak pa rin pala ito sa kamay ko, pero hindi ito matatawag na HHWW ha. Kasi sa wrist naman siya nakahawak eh, kaya tinaggal ko na ito bago pa may makakita at kinuha ko na rin ang bag ko sa kaniya, oh diba nagmumukha kaming magshota king*na.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate. Yung guard na nakabantay ngayon ay iyong strict! Hindi iyong ka-close kong guard, paano na yan?
"Gab," Loki whispered in my ear. We're trying not to notice by the guard so.
"Bakit?"
"Let me carry your bag."
"Bakit?"
"Just do what i said."
"Okay."
"Now, pretend that you lost your consciousness."
"Bakit nanaman?!"
"Just do it."
"Ayoko nga, ayokong humiga sa sahig noh!"
"AAA-mhmm" napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat pa bridal style pero buti nalang hindi narinig ni mamang guard. "What do you think your doing?" I whispered.
"Close your eyes, don't open it until I say so, okay?" imbes na sagutin niya ako ay inutusan niya pa ako, great. Sinunod ko naman siya. Ramdam kong nagmamadali itong tumatakbo at sigurado akong papunta ito kay manong guard.
"Hey, guard! Something happened to my girlfriend! And there's no doctor in the clinic, please let me out!" natatarantang sabi ni Loki kaya nataranta rin ang guard.
"Naku, bakit naman walang doctor sa clinic?!" ramdam ko ang pagkataranta ni guard habang binubuksan niya ang gate. "Labas na iho, magmadali ka! Gusto mo bang ipagkuha kita ng taxi?" dagdag pa niya.
"No need, guard. Bumalik nalang ho kayo sa work niyo. I can handle this."
"Sure ka ba iho?"
"Yes po." Pagkasabing iyon ni Loki ay ramdam kong umalis na si Guard. Wow, ang galing niyang umarte.
Naglakad-lakad muna papalayo si Loki bago niya ako ipinamulat at ibinaba. Pagkababa ko nakita kong nasa tapat na pala kami ng cakeshop, literal ngang malapit lang ito sa school pero kailangan pa naming tumawid bago makalapit doon.
"Tarant*d* ka talaga Loki!" Natatawang sabi ko at hinampas siya sa balikat.
"Ang galing ko bang umarte?" Natatawang tanong din niya.
"Hahaha oo, pati si guard natataranta sa'yo eh." Sabi ko naman. Tawa lang naman kami nang tawa ng napansin kong nahulog ni ale yung kaniyang panyo habang patawid sa daan.
"Sandali lang Loki ha," Paalam ko sa kaniya at hindi na siya hinintay pang sumagot at pumunta roon sa gitna ng daan kung saan nahulog nung ale ang kaniyang panyo. Pagkapulot ko nito nabigla ako nang may papalapit na truck sa kinaroroonan ko!!
*PEEEPPEEEEPP*
Hindi ako makagalaw, nanatili akong nakatingin sa truck na papalapit sa akin habang hawak ko ang panyo ni ale. Ito na ba ang katapusan ko? Bakit ngayon pa? Ayoko pang mamatay.. Ayoko pang iwan ang aking pamilya at mga kaibigan..
Tila nagflashback ang lahat ng masasayang ala-ala ko together with my family, friends and Loki..
"GAAAAABBBBBB!!!" Napatingin naman ako sa sumigaw, si Loki iyon. Tumatakbo siya papunta sa akin pero inilingan ko siya at nginitian. Tiningnan ko ule ang panyo na napulot ko ng may napansin akong nakaburda rito.
'Wish granted' basa ko sa nakaburda sa panyo.
Then everything went black.