Chapter 28: Ang Mahiwagang Puting Liquid “Will you marry me, Tasha? Please, marry me.” Parang nananaginip pa rin si Tasha. Totoo ba na nakaluhod ang strikto at antipatiko niyang boss at niyayaya siyang pakasalan? Ang bilis naman, wala pa silang isang buwan na magkakilala. Kung sa bagay, una silang magkita ay hinalikan na siya agad. Lalong isiniksik ni Tasha ang sarili niya sa kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Hindi kasi niya alam kung anong gagawin o sasabihin. Naalala niya ang kanyang panaginip, tinanong ng anino kung sakaling yayain siya magpakasal ng lalaking mahal niya, ano ang sasabihin niya? “Sorry, Sir. I just turned 18. Hindi pa ako handa. Bukod do’n…” malungkot sa sagot ni Tasha. “Hindi ako karapat-dapat sa’yo.” Napahawak si Tasha sa kanyang sinapupunan. Nanatili lang

