Chapter 36: Lumpia ni Chef Mariz The battle of jealousy begins… Seryoso ba talaga si Rex sa plano niyang ‘yon? Baka ito na nga siguro ang pinaka magandang gawin. Nagmaka-awa na si Tasha kay Benjo pero namanhid na yata talaga ang puso nito sa mga iyak niya. Desperadong galawan na ba ang kailangan? Kung ito lang ang paraan para hindi matuloy ang kasal at pag alis ni Benjo papuntang mundo ng mga engkanto, ay handa siyang gawin kahit na ano. “Sige na, bumalik ka na sa work mo. Susunduin kita do’n mamaya, hinatyin mo ‘ko ha, siguradong matatagalan ako dahil tatambakan ako ng trabaho ng lalaking ‘yon.” Pinunasan ni Rex ang luha sa mga mata ni Tasha para tumahan na ito. Tumango-tango lang si Tasha na parang maamong tuta. Kaya pag tapos ng trabaho niya ay matiyaga niyang hihintayin si Rex pa

