"waaAa, totoo nga?"pairit na tanong ni Shantel
" Sistah in law"pagtalon naman ni Elisha
"nuks, magkakalabel na" pangaasar ni Eli
"sagutin mona ngayon din!" paghila ni Lauren sa buhok ko, pota pag eto nikalbo ko
"Oo nga anoba, maliit na bagay ehe" maarte kong sagot sakanila sabay flip the hair kaya nibato ako ng pencil case ni Shantel pero umilag ako kaya si Elisha ang natamaan, hindi naman nagpatalo yung isa at nibato pabalik kay Shantel at nagtawanan kami ng kumalat ang laman neto pati ang ink
Boom, buti nga karma huh, ganan dapat nangyayare sa masasamang nilalang
Vacant kami, habang sila ay nakain at naguusap ay ako ay nakatulala lang, bakit hindi niya ako nipapansin, anong nigawa ko? Si Kristof at Matt ay andito din sa table namin habang si Gab ay nagsosolo
Napatingin ako sakanya at agad ko siyang niirapan nh tumingin din siya saakin, bahala siya hindi koden siya papansinin,mangisay siya jan, napakaganda ko para hindi pansinin masyadong duling ang mata niya
Napataas ang kilay ko ng pumunta siya sa table namin at hindi ako ang nitabihan, kundi si Lauren
Sige sige, ayan ligawan mo! Napakaano niya, ano siya toyoin?baka gusto niyang ipalaklak ko sakanya ang pride na sabon
Nagtatawanan silang lahat habang ako dito multo, kahit hindi naman ako ghoster, sige ayos lang ako ligawan niya lahat yan ah pakasalan niya, ako pari.
Bahala na nga siya!
"oy oy ano bang english ng pari?" biglang tanong ni Eli
"Father." sagot naman ni Lauren kaya nibatukan siya neto
Nakakatangina, padabog akong tumayo, sa peaccy nalang ako
"away muna kayo, away walang label" sigaw ni Eli
Hindi ko sigurado kung sumunod siya, pero parang Oo na hindi basta ganun
Nakasimangot akong naglalakad ng may biglang humawak sakin, tch nasisiguro kong si Gab yun
"huwag mokong hawakan" pagiwas ko sa balikat ko, pero naramdaman ko na naman ang kamay niya doon
"Anoba! Sabing wag mo-" napakurap ako ng makita ko kung sino iyon
"A-ah yung wallet niyo po nahulog" naguguluhang sabi ng babae at niabot ang wallet sakin
Nitignan niya ko na parang na wiwirduhan
Yaaa! Nakakahiya, bwiset kasi Gabriel e!
Nakabusangot padin akong naupo, hindi naman kasi siya niaano, ano bang nigawa ko, kala niya naman napakapogi niya mukha naman siyang...
"Bellat" Napatingin ako doon, ngiting ngiti pa ang ugok niirapan kolang siya
"Lah yataps" saad niya, kulbit ng kulbit bwiset
"Anoba?!" medj napataas na ang boses ko na ikinagulat niya
"Aruy, oy Bellat" inosenteng sabi niya
"Magtigil ka makakatikim ka sakin"
"ng halik, aba oy pabor na pabor" nakanguso niya pang sabi kaya nisipa ko siya
"Ala Oy mapanaket kana ha, anong problema jusmeyo" pagkamot niya sa ulo
Anong problema?!
"Anong problema ha?!, eh ikaw yung hindi namamansin tas parang wala lang sayo! Napaka-"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang halikan ang noo ko, napaiwas ako ng tingin parang nawala lahat ng inis ko bigla
"Look at me" saad niya at iniharap ako sakanya. "Nitry kolang mag ignoring prank" tsaka siya tumawa ng malakas
Potchang, nakakagigil talaga
"Vlogger kana ngayon ha?!Vlogger ka?!"
"pede na pede na" lalong pagtawa niya
"bahala ka hindi ako manonood ng laro mo" sabi ko dahilan para tumigil siya sa pagtawa
"Hoy charot lang Hoy, baka matalo kami oy" parang batang ayaw isama sa gala amp
Narinig ko na naman ang ringtone ko, kanina payan si Gabingot, simula nung nisabi kong hindi ako manonood ng laro ay kung ano ano ng nipagsasabi, kung gusto ko daw paalisin niya lahat ng manonood para solo ako, meron pang bibilhan niya daw ako ng merch, tapos hindi siya maglalaro ng fortnite
Myghad kala mo naman talaga hindi ako manonood baka mamaya may ibang mag cheer sakanya
Rinig na kagad ang ingay ng crowd, naupo kami sa medj baba, naghahanda na ang bawat team, napangisi naman ako ng nakita kong papalapit si Gab sa pwesto namin
Kaagad niya kong nitignan
"Hindi daw pupunt-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng halikan ko ang pisngi niya, kamatis na naman amp
"pumunta ka nadon" pagkindat ko sakanya, kanya kanya namang kantyaw ang mga kaibigan naman
Ngayon kolanh napansin na parehas kami ng jersey number 09, amp kaya 09 yung akin gawa ng friend ship anniversary namin yun ni Killian, nako gaya gaya
Pumito na ang referee
Sumama naman ang tingin ko doon sa babae sa likod namin, potcha yung babae kahapon
"Go gab Whoo ampogi mo!" wala panga e, wala na epal bida
Tumba nayan!
Nagumpisa na ang laro, sa kalaban napunta ang bola at nashoot agad nung number 05 hindi ko kilala, katangkadan at mukhang mabait naman.
Lalong umingay ng si Gab na ang may hawak ng bola, boom three points pasok
"Whooa ang galing mo" paos toh mamayang kinginang toh
Humarang ako sa harap niya para di niya makita
"gooo, baby koyan!" sigaw ko tsaka flip the hair
Magshoshoot na sana ang kalaban pero napalpalan ni Kristof, kung ako yun susupalpalin koyan, agad na ipinasa kay Gab ang bola, bago siya magshoot ay tumingin muna siya sa gawi namin at kumindat
"omy mamatay nako"
"waa, kinindatan niyako"
"Omygosh, crush niyako"
Mga landot.
"OMG, nililigawan niyako" sabi ko habang nakatingin dun sa mga babae, kaagad naman silang umiwas ng tingin.
Ano ha?! Ano palag kayo, pagbubuhulin ko kayo e
Nagtatalon kami ny pang party party yea! Panalo!
Agad tumayo si Matt para icongrats si Gab at Kristof
Tumalon naman kagad si Shantel kay Kristof
"ang galing galing mo" halik ng halik, kadire
"Me?" Napatingin ako kay Gab na nasa tabi kona pala
"pagod yan magcheer para labanan mga tiga cheer mong girls sa taas" pangaasar ni Elisha kaya nisamaan ko siya ng tingin
Nikurot ko ang braso ng ugok nato dahil sa ngisi niya
"kiss nalang" pagturo niya sa pisngi niya
Aba! Sige na nga ehe
Dahan dahang lumapat ang labi ko sa pisngi niya, agad siyang nagacting ng pang asim kilig
rinig na rinig ang bulungan ng mga fan girls niyang Sarap kaltukan, bulong nga e parang aabot sa Sole yang mga boses nila pagirap ko at kita ko ang titig saakin ni Gab at tumingin sa mga babae
Napakunot ang noo ko ng hawakan niya ang kamay ko at agad na pumunta doon sa mga babaeng nagbubulungan, pota
"I just want you to know, She's my Queen" taas niya sa magkahawak naming kamay
Kyah!
"waaAaa sana'll" pangaasar ng mga kaibigan namin
"anong panonoodin naten?" biglang tanong niya habang nag ddrive
"Bangbangcon" pagngiti ko, gustoo ko manood ng babangcon e bat ba
Buwan naden ang nakalipas wala namang masyadong nangyari, puro kaharutan at katarantaduhan lang, papunta kami sa bahay nila ngayon, walang tao doon, manonood lang kami ng kung ano ano para maiba naman.
At sa mga nagdaan na panahon, nasisigurado kong mahal na mahal kona ang taong toh, sasagutin ko na ngayon e, booM talbog kayo ehe
Napangiti ako sa set up, wawww pagkaganda
"Ikaw nag ayos neto?" tanong ko sakanya
hindi siya sumagot at nikindatan niya lang ako
"kukuha ko pagkain, mahirap na baka magutom biik ko" sabi niya dahilan para suntukin ko ang braso niya
niaayos ko ang panonoodan namin, ng may mapansin akong kung anong bagay sa sahig, nalaglag ata niy a
Lumapit ako para tiganan yun
nanglambot.... Ang tuhod ko ng makita kung ano yun tuluyang bumagsak ang mga luha ko...
"K-Killian" pagtakip ko sa bibig ko
|||
:)