parang nibuhusan ng malamig with warm with hot water ang buong katawan ko sa nakita ko
pilit kong niyugyog si Gab at kusa nalang bumagsak ang luha ko
nilakasan kona ang loob ko at nisipa ng malakas ang pinto dahilan para magbukas iyon
agad na lumapit sakin si Kristof ng makita niya ko
"Belle san kayo galing? Anong nangyare?" kita ko ang kaba niya
habang ako tulala padin nanginging ang mga kamay
kita ko ang pagtakbo niya sa loob ng ng gym, at dun lang ako bumalik sa wisyo ng maalala ko si Gab
Napatakbo din ako dun, at nitulungan si Kristof para dalhin si Gab na walang malay sa clinic,kita ko ang pagtingin at pagbubulungan ng ibang students
Kita ko ang iba naming kaibigan ng paliko na kami, agad tumakbo palapit samin si Elisha at sumunod naman sila
Kita ko ang paglaki ng mga mata nila, agad akong nipalitan ni Matt sa pagaalalay kay Gab at dinala nila ito sa clinic
"anong nangyare?" kita ko ang pagkataranta ni Elisha
"shox, san kayo nagpunta" si Shantel
"anong meron? Anyare?" si Eli
"pota bakit nawalan ng malay?" si Lauren
Sunod sunod nilang tanong pero hinde ko masagot, magsasalita pa sana si Elisha ng sikuhin siya ni Shantel dahilan para matigilan siya
hinde nako nag abalang magsalita at dali dali nalang akong sumunod sa clinic, kita ko ang pagsunod nila sakin
Bakit? Bakit kailangan mangyari toh?
ng makarating kami sa clinic, nagamot na ang sugat sa ulo ni Gab at hanggang ngayon wala siyang malay habang nakaupo sila Matt at Kristof
halos sabay kami ni Elisha pumunta sa kama ni Gab, kitang kita ko ang pagaalala niya sa kakmabal niya, habang ako nakatitig lang kay Gab may bandage na ang sugat niya at ang sabi naman nila Matt ay miyamiya ay gigising din siya at pauuwiin ayun daw ang sabi ng nurse
nilingon ko naman si Elisha at tinignan ng 'sorry' look at ginantihan niya naman ako ng ngiti na 'it' s not ur fault'
"ah Belle pinapatawag ka Ng Dean" si Kristof
"ako nalang sasama sakanya" pagpiprisinta ni Shantel
Habang papunta kami sa office..
"OMG anong nangyare? Nasan si Gab?" tanong ni Claire
Hinde ko siya nipansin at hinayaang si Shantel ang sumagot sakanya
"iimbistigahan eto at iuupdate kayo kapag nasulusyunan na ito" sabi ni Mr. Thomas
Nakwento ko na ang lahat ng nangyare
"Oo nga pala, may nakitang bat sa loob ng gym"
Napatungo naman ako ng marinig ko iyon, bat? Ibig sabihin ayun ang nipanghampas kay Gab, sino naman ang gagawa nun?
"chinichek nadin ang cctv cameras" sabi niya ulit "you can go now Ms. Tuazon" dagdag niya
"thankyou po" mahinang sabi ko, at nagpasalamat din si Shantel
Habang papunta kami sa tambayan namin kita ko na sila na nagaabang doon, vacant namin buti sumakto
"anong nangyare?" agad na tanong ni Lauren
At nisabi naman iyon ni Shantel sakanila, wala sina Matt at Kristof sila daw ang nag prisinta na magbantay kay Gab at okey lang naman yun kay Elisha dahil susunduin naman daw mamaya ng parents niya si Gab
"i'm so sorry Elisha" sabi ko, kanina pako humihingi ng sorry
"pls stop Belle, it's not ur fault walang may gusto nito" feeling ko maiiyak ulit ako
"may kilala kabang may galit or what sa kuya mo?" tanong ko
"yun nga ang nakakapagtaka wala akong kilalang kaaway o nakaaway ni Kuya, sino ang may lakas na loob gawin sakanya yon" sagot niya
"pwede ba ko sumabay sayo mamaya paguwi mo?gusto ko siya puntahan"
She gave me a small smile then nooded
"ako nalang ang maguuwi ng kotse mo sainyo" sabi naman ni Shantel
ng matapos ang huling klase namin after vacant, agad kaming nagmadali pumunta ni Elisha sakanila, parehas kaming tahimik buong byahe
"tita, tito" mahinang saad ko habang medjo nakayuko
they just gave me a small smile and nooded habang tumingin sa kwarto ni Gab, kaya agad akong umakyat doon
Dahandahan kong nibuksan ang pinto ng kwarto, buti nalang gising na siya, dahan dahan akong umupo sa kama niya dahilan para mapatingin siya, parang gulat siya na makita niyako ngayon dito tatayo sana siya sa pagkakahiga..
"wag kang makulit, magpahinga ka" seryosong sabi ko at wala naman siyang nagawa
"are you okay? Nasaktan kaba? Wala kang sugat?" sunod sunod na tanong niya
"wala, magpahinga ka magpagaling ka"
Nakahinga naman siya ng maluwag
"sorry" saad ko
kita ko ang pagkunot ng noo niya
"don't be sorry, wala kang kasalanan ayos lang ako, ang mahalaga ligtas ka mabuti nalang at sinundan kita, kung hinde ikaw ang masasaktan"
hinde ko napigilang yakapin siya sa mga narinig ko, at ramdam ko ang pagsukli niya sa yakap ko
"thankyou" sambit ko ng kumawala nako sa yakap
ngumiti siya "psh magtigil kanga wag kang mag thank you ginusto ko namang protektahan ka" sabi niya "basta ikaw, sagot kita Belat" ayos na sana eh noh kung wala lang tong sugat e
"magpahinga ka, aalis nako" sabi ko magdidilim nadin kasi
"ihahatid na kita"
Nipandilatan ko naman siya ng mata "anoba nisabe ng magpahinga e" natawa naman siya sa nisabe ko
"aish, ingat" pagsabi niya
nilingon ko muna siya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya
"tita tito alis na po ako"
Nilingon ko si Elisha at nginitian niya ko
"don't blame your self ija, hinde mo kasalanan" napatingin ako kay tita ng nisabi niya yun
"thankyou po" sabi ko at ngumiti naman siya
"Hon ihatid mona si Belle" napaawang ang labi ko sa nisabi ni tita
"a-ah hinde nap-"
Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Tito Kyle
"sige na ija, ihahatid na kita mahirap na at hindi pa nahuhuli ang gumawa nun" may point naman si tito kaya wala nakong nagawa
"alam moba ija na ikaw ang una niyang hinanap ng magising siya sa clinic"
Napatingin ako kay tito ng sabihin niya iyon, hinde ko alam ang mararamdaman ko
"p-po?"
rinig ko ang pagtawa niya ng kaunti
"thankyou for appreciating my son, nakakatuwa makita ang masaya naming anak"
Naguluhan naman ako ng nisabi niya yun
Nakarating na kami sa bahay
"a-ah tito gusto niyo pong pumasok?" tanong ko
"papasok talaga ko ija, maguusap kami ni parents mo"
Kita ko silang tatlo sa gate, agad akong niyakap ni mommy
"honey are you alright?" tanong niya
"mommy wag kayong magalala okey lang ako"
"how about Gab? Kyle kamusta siya?" tanong niya kay tito
"nagising na naman siya at nagpapahinga"
"mabuti naman kung ganun"
"pumasok na kayo Sa loob Ezekel" biglang sabi ni daddy at agad namin kaming sumunod
"hey, are you alright?" tanong ni kuya
May paki den pala sakin toh char charger
nginitian kolang siya at tumango, kita ko ang pagbuntong hininga niya
Nagayos ako at nagpalit nadin tsaka nahiga, nitatawag nila ko kanina for dinner pero ayoko kumain dinalhan nila ko sa kwarto ko ng food pero sabi ko wala akong gana kaya wala nadin silang nagawa
Nibuksan ko ang phone ko at kita ko ang chat nila sa gc namin
"hey alam ko hinde ka okeyy pero andito lang kami:)" si Shantel
"Oo nga, wag mong sisihin sarili mo, were here lang always" si Elisha
"wag mona masyadong isipin yun kaya moyan" si Eli
"Yeahh!! wag kang mahiya maglabas samin" si Lauren
Napangiti naman ako ng mabasa ang mga chat nila at nagreply nalang ako ng thankyou
Napatigil ako ng biglang may kumatok
"honey" si mommy
"pasok po" sabi ko
Umupo siya sa gilid ng kama ko
"hinde ka ba talaga nasaktan?" tanong niya
"hinde po talaga"
"free to open up sakin ha"
Napangiti naman ako nisabi niya
"sige goodnight na, take care of yourself honey, mukhang pagod ka" sabi niya tsaka ako nihalikan sa noo, paglabas ni mommy ay wala nakong nigawa at tuluyan ng nakatulog
It's saturday kaya napagdesiyunan kong yayain ang mga unggoy kong kaibigan para magsine at pumayag naman sila, nakapagpaalam nadin ako kila daddy at pumayag naman sila, wala lang gusto kolang libangin ang sarile ko
"wow ha late masyado ghorl" si Shantel
Inirapan kolang siya
"bute naman okey kana" masayang sabi ni Lauren, at nilapitan naman ako ni Elisha para akbayan
"malungkot kahapon, abnormal ulit ngayon" saad naman ni Eli
At tinawanan lang nila ko nakitawa nalang ako HAHAHAHHQ
nagtutuksuhan sila ngayon kaya lt kami
unti unting nawala ang tawa ko ng may matanaw ako sa di kalayuan, nakatalikod nung una yung lalaki pero parang pamilyar siya ng hunarap siya parang biglang kumirot ang puso ko na may kasamang inis, bakit ko toh nararamdaman anoba..
Si Gab, kasama si Claire..
|||
:)