At sa nakalipas na dalawang buwan..
Wala na nga halos gana sa buhay si Antonio labis niyang dinamdam ang pagkakawalay sa kaniya ni Esmeralda.
At inutil na nga rin ang tingin niya sa sarili dahil sa pilay na niyang kanang binti. Hindi na siya halos makatulong sa kanilang munting sakahan lalo na sa pag aararo dahil sa pagkapilay ng kanang paa niya.
At ang ina lamang niya na si Linda ang gumagawa ng mga gawain sa Bukid sa Matanda na nitong Edad. Naging resulta nga ito ng hindi gaanong maayos na pag aani sa kanilang sakahan. Kaya unti unti din nalugi ang kanilang sakahan kaya sa paglalako na lamang ng mga tanim nilang gulay at prutas nag focus ang ina ni Antonio para sa ikakabuhay nila.
At habang naglalako nga sa bayan ang ina ina ni Antonio. Nagkataon naman sarado ang pinapasukang tindahan ni Elena. Dahil sa may pinuntahan ang mga Amo niya. At simantala ito ni Elena para tunguin si Antonio dahil alam niyang sobrang nalulumbay na ito.
"Ikaw Pala Elena.... Wala ka bang pasok?!
"Wala ehh.. May pinuntahan ang mga amo ko kaya nag pasya ako na puntahan ka para may makasama ka rito. Habang nasa bayan si Nanay Linda."sabi ni Elena.
"Salamat huh.. Dahil kung tutuusin wala ka namang talagang obligasyon na gawin ito para sa akin"nahihiyang sabi ni Antonio
"Nga pala.. May dala akong alak mag inuman mo na tayo? Di ba nakakaalis ng problema ang alak.."sabi ni Elena.
'"Huh? Kailan ka pa natutong uminom ng alak? Elena... Masama yan sa katawan mo... Iwasan mo uminom ng alak."agad na pag bawal ni Antonio.
"Ano ka ba? Hindi na ako bata...
At Hindi na tayo mga bata..
At isa pa natuto lang naman akong uminom dahil sayo habang paulit ulit mo sinasaktan ang puso ko...
Halos mamalimos na ako ng pagmamahal na galing sayo..
Pero sa Huli si Esmeralda pa rin ang panalo at ako ay lagi na lang talununan..
Naluluha ng sabi ni Elena.
"Elena patawad..
Pero walang saysay o kabuluhan ang pagmamahalan na ipipilit lamang..
Patawad talaga.."paghinga ng tawad ni Antonio
At ngumiti na lamang si Elena..
Sabay sabing.
"Mag inuman na lamang tayo para sabay natin malimot pansamantla ang kabiguan ng mga puso natin... Ayos lang ba Antonio"tanong ni Elena.
"Ahh.. Sige Elena.."tugon ni Antonio.
At nag simula na sila mag inuman
Subalit walang kamalay malay si Antonio na siya lang ang malalasing sa kanilang dalawa. Sa kadahilanang dinadaya lamang ni Elena ang pag inom niya ng alak.
At dumating na sa puntong sobrang na ang kalasingan ni ANTONIO...
AT sa Sobrang pagkamiss niya kay Esmeralda...
Ang tingin na niya kay Elena ay si Esmeralda..
"Esmeralda nagbalik ka....
Nagbalik ka.."lumuluhang sabi ni Antonio.
"Oo... Nagbalik ako at sa pagkakataon na ito.. Iyong iyo ako... Pag mamay ari mo ako Antonio.."ngiting sabi ni Elena na sinasamantala ang kalasingan ni Antonio at ngayon umabot na nga sa sukdulan si Elena.
Nais niyang may mangyari sa kanilang dalawa ni Antonio ng sa ganoon kung may mabubuo man kailangan siyang panagutan ni Antonio.
At nangyari na nga ang nais maganap ni Elena. Nagpa angkin nga siya ng tuluyan kay Antonio sa kabila ng lahat na inaakala nito na siya si Esmeralda. Walang pag dadalawang isip na ibinigay na nga ni Elena ng buong buo ang sarili niya sa lalakeng pinakamamahal niya.
At nais niyang mapasakaniya si Antonio kahit pa sa hindi patas na paraan.
"Tayo ang sa isat isa Antonio..
Dahil parehas tayo ng antas ng buhay at sa akin hindi ka na mapapahamak pa."sabi ni Elena sa isipan niya habang matagumpay na siyang naangkin ni Antonio at kapwa na nga nila nilalasap ang sarap ng kanilang pagsasama.
At kinagabihan..
Dumating na mula sa bayan ang ina ni Antonio pagod na pagod nga ito sa halos maghapong paglalako ng mga gulay.
At dali dali nga niyang pinuntahan sa kuwarto ang anak. At ikinagulat nga niya ng makitang magkatabi sa iisang kama ang anak niya at si Elena.
Ang mga damit nila ay nasa sahig at nakakalat habang ang hubad nilang katawan ay natatakpan ng kumot. At kapwa mahimbing ang tulog ng dalawa ng mga sandaling iyon. Kaya hindi nila napansin ang pag dating ng ina ni Antonio.
At nagulat man ang ina ni Antonio na si Linda. Naisip niya na mabuti na rin nangyari iyon dahil noon pa man gusto na ni Linda si Elena para sa kanilang anak. Lalo pa at bukod sa mabait si Elena ay responsable pa ito...
"Elena... Huwag ka mag alala payag akong maging parte ka ng buhay namin."ngiting sabi ni Linda at naghain na lang ito ng kanilang makakain.
At ilang oras pa ang lumipas.
Animoy naalipungatan si Antonio at gulat na gulat nga siya na kapwa sila hubad ni Elena...
"Hindi... Hindi dapat nangyari ito..'at dali dali nag suot ng kasuotan niya si Antonio.
"Nakakainis dahil sa baldadong kong kanang binti! Pati simpleng pag suot ng damit ay hindi ko agad magawa.."inis na sabi ni Antonio habang isunusuot ang kaniyang saluwal
At ilang saglit pa nagising na si Elena at dali dali siya niyakap nito mula sa likuran.
"Elena... Patawad sa nagawa ko... Kalimutan na lang natin ito...
"Huwag kang humingi ng tawad.. Ginusto ko ito.. Ginusto kong maangkin mo dahil mahal kita mahal na mahal.."
"Elena.. Pakiusap umalis ka na lang muna... Pakiusap.."pakiuasap ni Antonio.
"Sige..."maikling tugon ni Elena at dali dali ito nagbihis at umalis.
"Nay Linda patawad po.. Mauna na po ako.."sabi na lamang ni Elena at dali dali itong umalis.
At pinili na lamang ni Linda na manahimik muna habang naguguluhan pa si Antonio.
"Hindi. Hindi ko dapat ginawa iyon." pagsisisi ni Antonio.
At sa lumipas ng isang buwan...
"Nakakainis! Bakit... Bakit hindi ako buntis? Bakit walang laman ang tiyan ko? Bakit." inis na sabi ni Elena dahil patuloy pa rin ang buwanang dalaw niya.
At naisip niya bigla si Efren dahil alam niya hindi na papayag muli si Antonio na may mangyari sa kanila sa pAngalawang pagkakataon.
'Si Efren magagamit ko siya.
Samantala sa lumipas na isang buwan.
Unti unti ng natatanggap ni Antonio na hindi talaga sila para sa isat isa ni Esmeralda. Subalit magkaganon man pinangako niya sa sarili niya na wala na siyang ibang babaeng mahalin kundi si Esmeralda lamang.
Lalo pa nang napag alaman niya sa mga katiwala sa Mansion na. Dadalhin na pala sa States si Esmeralda para mas mailayo pa ito sa kaniya. At mas lalo nga iyon ikinawalang pag asa ni Antonio na muling makita si Esmeralda. Kaya hindi na lang din niya tinuloy pa ang pag tungo sa manila.
At inabala na lamang ang sarili sa kanilang munting babuyan na napasimulan nila ng kanilang ina. Mula sa na natira pang pera na ibinigay sa kanila ni Señior Juaquin na animoy pang iinsulto sa estado ng buhay nila.
"Anak maraming pang babae sa mundo. At kabilang na roon si Elena. Na kay Tagal ka ng minamahal.."pangungumbinsi pa rin ng ina ni Antonio na si Elena na ang mahalin nito.
"Nay... Mahal ko si Elena pero hanggang kaibigan lang iyon. Hindi na hihigit pa roon. Tanging si Esmeralda lamang ang una at huli kong pag ibig at hindi na ako magmamahal pa ng iba."pagtatapos ni Antonio sa Usapan at nagpatuloy na ito sa pagpapakain ng kanilang mga alagang baboy.
At bigo na naman si Linda na kumbinsihin ang anak para kay Elena..
Samantalang si Elena .
Kinagabihan sinadya niyang tunguin sa munting kubo si Efren na malapit sa sakahan ng pamilya nila Efren. Doon kasi madalas na nagpapahinga si Efren matapos nito mag saka dahil medyo malayo ang bahay nila sa kanilang sakahan.
Isang linggo na rin ang lumipas matapos ng huli niyang dalaw. Kaya handa na talaga siya makipag talik kay Efren para sa plano niya para makasama si Antonio.
At sa mga sandaling iyon nililinis ni Efren ang kaniyang bAril na nabili niya gamit ng perang ibinigay sa kaniya ni Señior Juaquin. At Agad naman niya ito itinago sa ilalim ng kutson ng kaniyang kama. Dahil sa biglaan pag dating ni Elena.
"Elena totoo ba ito? Binisita mo ako?"hindi makapaniwalang sabi ni Efren at agad niya pinatuloy si Elena sa kaniyang kubo.
"Ahh.. Natutuwa ako at binisitta mo ako? Pero nagtataka ako kung bakit? Kasi.. Alam ko naman si Antonio lagi ang inuuna mo at ako ay balewala lamang sayo."sabi ni Efren na halatang nagtatampo at nag seselos..
Pero walang tugon na salita si Elena.
Bagkus bigla niyang hinagkan ang labi ni Efren....
Desidido na siyang gamitin si Efren at baka mabuntis siya nga siya nito. At may mga naisip na rin siyang paraan sa kung paano niya maipapaako ang kanilang magiging anak kay Antonio...