SAMANTHA'S POV Hindi talaga ako naiinis na iniwan ako nina boss, o naman kaya ni Nathan ang kinaiinis ko ay.. bakit iniwanan pa nila ako ng isang asungot na makakasama eh.. kaya ko naman ng mag-isa. Kanina pa kaming dalawa dito ni Sia sa loob ng HO, at hindi ko magawang makalabas dahil kahit sa'n ako magpunta ay sinusundan nya 'ko. Nakakairita. "Iihi lang ako.." paalam ko sa kanya pero agad syang tumayo bago nauna pa ngang pumunta sa may pintuan. "Sasama ako sayo, tara na." nakakalokong ngiti ang ipinakita nya sa akin tsaka sumipol habang naglalakad papalabas. Nagpapapadyan nalang ako sa inis at padabog na sinundan sya. Nang makarating na kami sa banyo ng babae ay sumandal sya sa tabi ng mismong pintuan nito at sinenyasan akong pumasok na. Bwiset! Hindi ba talaga ako lulubayan ng isan

