LAYUS' POV Kanina pa ako dito nakatambay at hindi naman gaanong nakakabagot kasi naaaliw ako sa mga halaman sa paligid. Napakaraming bulaklak, kaya naman nakakapagtaka kung bakit ganon kasama ang ugali ni Ice, samantalang ang ganda naman ng pamilya at paligid na kinalakihan nya. Sigh. Nakuha nya na kaya yung bulaklak na pinitas ko? Pinaabot ko yun kaganina kay Hydra eh, hindi ko pa kasi alam kung pano ko sya haharapin tsaka kung ano ang mga salita na dapat kong sabihin sa harapan nya. Maging ako ay hindi din makapaniwala na sinabe ko sa kanya kagabi yun, psh! Malamang ay kinikilig na ang isang yun ngayon, crush nya ba naman malalaman nyang may gusto din sa kanya? Sinong hindi kikiligin don? Hahaha! Sa totoo lang ay binasag ko na yung cellphone ko. Pagkauwi namin kagabi ay binuhat ko pa

