THIRD PERSON'S POV Itinatago pa din nina Lisa ang bangkay ni Jerick hanggang ngayon. Hindi din kasi nila alam kung ano ang magiging reaction ni Myles pag nalaman nyang ang itinuturing nyang kakampi ang pumatay sa sarili nyang asawa. Buti nalang talaga at walang nakakapansin ng masangsang na amoy ng bangkay sa loob ng H.O. nila. Nandito si Myles, Aien, at Lisa ngayon sa cafeteria. Iniintay na lang nila na bumalik si Phoenix. Kaganina pa kasi sya nawawala, umiiyak ang babaeng yun kaganinang lang at nag-aalala sila kasi hindi naman nagsabe ng dahilan kung bakit. "Babe?" pagtawag ni Myra sa kasintahang kaganina pa nakatulala sa kawalan, iniisip din kasi ngayon ni Aien kung anong gagawin nya sa Wed gayong hindi sya mapakali. "O-Oy?" parang natutuliro naman nyang sagot kaagad, ayaw nyang

