ICE'S POV "HOY!" napamulat agad ako ng aking mga mata ng marinig ang apakalakas na sigaw na 'yon sa tenga ko! "Anong ginagawa mo dito, Sky!?" inis na sigaw ko sa kanya habang nakatakip sa tenga ko. Tinaasan nya lang naman ako ng kilay bago hilahin ang kumot ko! 'Anak ng teteng, grabe! Sobrang aga mambulahaw ah! Takteng 'to!' "Tumawag si Time!" d-.-b... 'So, dahil lang do'n kaya nya ako ginising?! Eh nawala na nga halos sa isip ko na magkikita kami! Ang dahilan nga kung bakit sa amusement park ko dinala si Harina ay dahil sabi ni Time doon raw kami magkikita, pero sinipot nya ba 'ko? HIN! DI!' "Nambulahaw ka para lang dyan?" nanggagalaiting bulyaw ko sa kanya habang sya naman ay prenteng naka crossed arms at nakaharap sa akin. "Sabi nya sakin, pasensya na daw at di sya nakarating ka

