CHAPTER 4

2075 Words
Augustus’ POV My father was very serious, staring at me. I had no idea why he had called me. "What the hell is this, Augustus!? Bakit pati ang anak ni Mr. Fukuda? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na layuan ang mga babaeng 'yan! Kailan mo balak makipaghiwalay kay Shella?" Malamig at seryoso niyang tingin. Napatingin ako sa picture na nilapag niya sa mesa. Kaming dalawa ni Bansot, nakangiti siya habang nakahawak sa aking braso. Sino naman ang matapang na kumuha niyan! "Wala kaming relasyon ng babaeng 'yan, at isa pa, nilalayuan ko na siya pero dikit pa rin nang dikit. Tungkol sa relasyon namin ni Shella, ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Mahal k—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang malakas niyang hinampas 'yung mesa. "Lintik na pagmamahal 'yan, Augustus! Wala kayong ibang ginawa kundi maglandian! Dapat pinagtutuunan mo ng pansin ang iyong responsibilidad bilang isang pinuno! H'wag mong hintayin na pati buhay ni Shella, malagay sa panganib! Pagsisisihan mo 'yan, Augustus, sinasabi ko sa 'yo!" Mariin niyang sabi sa akin. Kulang na lang ay sapakin niya ako dahil sa galit. "Hindi naman nakakasagabal ang relasyon namin sa pagiging pinuno ko. Ano ba ang hindi niyo maintindihan, Dad? Lahat naman ginagawa ko para sa ikabubuti ng aking pinamumunuan. Bakit hindi niyo man lang magawang suportahan ang gusto ko? Lagi na lang 'yang gusto mo 'yung nasusunod! Hindi na ako bata, Dad. Kaya ko nang magdesisyon para sa aking sarili! Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi ako makikipaghiwalay kay Shella!" Taas-noong sagot ko sa kanya. Lalong dumilim ang kanyang mukha. "Tingnan natin 'yang katigasan ng ulo mo. Hindi ka marunong makinig, fine! Ito lang ang masasabi ko sa iyo: layuan mo ang anak ni Mr. Fukuda! Kapag nalaman niyan ang tungkol dito, hindi lang kami 'yung mapapahamak, pati na 'yang ipinaglalaban mong babae! Umalis ka na sa harapan ko, bago pa tuluyang magdilim ang aking paningin!" Sigaw niya sa akin. Tiningnan ko lang siya bago talikuran at lumabas ng kanyang opisina dito sa bahay. What do I care about Mr. Fukuda's daughter? Siya naman 'tong lapit nang lapit sa akin. Kairita! Hindi kasi makaintindi 'yung Bansot na 'yon. Ilang beses ko nang sinabihan at pinakita na wala akong pakialam sa kanya. Lintik, lalo pa siyang nangungulit! Padabog kong sinara 'yung pinto ng kotse ko. Dahil sa babaeng 'yon, masisira ang lahat! Kailangan na niya talagang tumigil. Ano ba ang puwede kong gawin para tigilan ako? Pinamukha ko na lahat-lahat sa kanya, parang wala lang namang nangyayari. Nainis! Ngayon lang ako na-stress sa babae! Bwisit! Pinaharurot ko na ang aking sasakyan. Pupunta ako ngayong sa HQ para bisitahin sila. Linggo bukas; may mga transaksiyon sila. Kami naman, may importanteng lakad. Pagdating ko dito sa HQ, agad akong pumasok sa loob. Nadatnan ko sila Carrasco, nag-iinuman na naman. "Kamusta ang pag-uusapan niyo ng iyong ama?" Tanong ni Marcus. "Anong sinabi sa iyo?" dagdag pa niyang tanong. "Tungkol na naman sa relasyon namin ni Shella. Dumagdag pa 'yung anak ni Mr. Fukuda. Nakakabuwisit! Wala naman akong pakialam sa babaeng 'yun. Malaman ko lang kung sinong kumuha ng larawan na 'yun, hindi na siya sisikatan ng araw!" Nagngingitngit sa galit kong sagot bago nilagok 'yung inabot sa aking beer ni Carrasco. "Tangina, kasi ang lakas ng tama niya sa iyo. Ano bang ginawa mo doon at patay na patay sa iyo?" Natatawang tanong ni Maceda. "Kaya nga! Hindi mo na pinapansin pero nanatili pa rin siya sa tabi mo, hayop ka. Ginayuma mo ata 'yun, eh!" Sabi naman ni Marcus. Anong malay ko? Baka nakahit-hit kaya ganoon! "Wala akong ginagawa sa kanya! Siya 'tong may atraso sa 'kin, binato niya ako ng libro!" Naiinis kong kuwento. Kapag naalala ko ang nangyari 'yun, lalo akong naiinis sa kanya. "Problemadong-problemado ka sa babae ngayon, Merced. Hindi ka na-stress kay Shella, pero sa anak ni Mr. Fukuda, stress na stress ka!" Pang-aasar ni Carrasco sa akin. Tiningnan ko naman siya nang masama. "Ang paghandaan mo, kapag nakita niya 'yung picture. Malalagot ka talaga sa kanya. Baka wala na siyang ibigay na trabaho sa atin kung nagkataon. Malaking pera ang mawawala sa atin." Seryosong sabi ni Maceda. Isa pa 'yan! Tangina talaga. "Wala ata si Hermida?" Pag-iiba ko ng usapan. Himala lang; madalas nandito 'yun para lang mag-inom, parang araw-araw broken. "May family dinner sila kaya wala. Nga pala, tungkol sa lakad natin bukas. Sabi sa 'kin ng contact, may dalawa pa siyang kasama na bibili. Mukhang big time. Malaking pera ang kikitain natin kung nagkataon." Seryosong sabi ni Marcus sa amin. "Mabuti naman kung ganoon. Kailangan na rin natin ng bagong mga baril." Sagot ni Carrasco habang nakasandal sa upuan. "Maaga tayong aalis bukas para makauwi din agad tayo. May balita na ba sa mga nagtangkang kalabanin tayo?" Muli kong tanong sa kanila. Nagkibit-balikat naman sila. "Baka hindi pa nila nahahanap kung sino ang nasa likod ng nangyari. Minsan kasi, hindi rin nag-iingat ang iba nating tauhan. Sayang pa naman; malaki rin sana ang kikitain natin." Umiling na sabi ni Maceda. May transaksiyon kasing napurnada. May mga pulis na dumating; mabuti na lang at kilala ko 'yun. Ang aking ipinagtataka: paano nila nalaman na drugs iyon? Maraming traydor dito—taga-sumbong. "Masuwerte pa rin tayo dahil kahit na ganoon, nakuha natin 'yung drugs. Puwede pa nating ibenta." Sabi ko sa kanila. Hindi na bago sa amin ang mga nangyayari. Tumingin ako kay Carrasco dahil siya ang inutusan kong alamin kung sinong nasa likod ng nangyari. "Iligpit niyo na 'yan at umalis na kayo dito. Basta bukas, maaga tayong aalis. Kailangang ako ang susundo kay Shella pagkatapos niyang magsimba." Seryoso kong sabi sa kanila bago tumayo mula sa pagkakaupo. I headed to the second floor. It so happened that I bumped into one of my staff. "Hanz, sunduin mo bukas si Shella, magsisimba 'yon. Update mo ako kung anong ginagawa at mga pupuntahan niya. Magsama ka ng tatlong tauhan para sa kaligtasan niyo. Lalo na si Shella, bantayan mong mabuti." Bilin ko sa isang pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Sige, Boss. Ako na ang bahala sa kanya." Agad niyang sagot. Tumango lang ako bilang sagot. Lahat, gagawin ko para sa kaligtasan niya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Simula noon, si Shella na ang naging sandalan ko. Kahit ano pang mangyari, ipaglalaban ko siya! ---- Farrah's POV Sabado ngayon, walang pasok, kaya maghapon na naman akong nandito sa bahay. Nakakainis! Hindi ko tuloy nakita si Augustus! Ano kayang ginagawa niya ngayon? Magkasama kaya sila ng girlfriend niyang linta? Aarghh, nakakainis talaga, ayoko ng ganito! Damn you, Augustus! Bakit hindi mo ko magawang tingnan man lang! Bakit lagi na lang 'yang girlfriend mo ang iyong nakikita! Napahinto ako sa pagmumuni dahil may kumatok sa pintuan. "Senyorita, kakain na kayo." Tawag sa akin ng personal maid ko. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at binuksan 'yung pinto. "When I get back, my room should be tidy!" Mataray kong utos sa kanya bago siya lampasan. Nakarating na ako sa dining area. Sana naman makakain ako nang maayos. May mga epal pa naman akong kapatid! Wala na silang ibang ginawa kundi pag-initan ako. Akala ata nila, uurungan ko silang apat? Utot nila, blue! Pagpasok ko ay napatingin silang apat sa akin. Kami lang ang nandito ngayon, wala sina Daddy at Mommy. Tinaasan ko sila ng kilay bago umupo sa aking puwesto. "Exam niyo bukas. Siguro naman nagre-review ka ngayon. Siguradong bagsak ka na naman!" Napatingin ako kay Kuya Ferdinand dahil sa sinabi niya. "H'wag mo akong sinisimulan, Ferdinand. Pinagalitan ka na naman ba ni Daddy kaya ako ang pinag-iinitan mo?" Mataray kong tanong sa kanya at inirapan. "Hindi ka talaga marunong gumalang sa nakatatanda sa iyo. Sabagay, ano pa ang aasahan namin sa gaya mong walang laman ang utak." Muling pang-iinsulto niya sa akin. "Nagsalita ang matalino. Sino ba kayo sa inaakala niyong apat? Oras na napabayaan niyo ang kumpanyang binigay sa inyo, sa 'kin lahat mapupunta 'yan. Bakit hindi niyo subukang maging mabait sa akin? Baka sakaling maawa ako sa inyo. Hindi bale pala, mas magiging maganda kapag nakikita ko kayong naghihirap." Nakangiti kong sabi sa kanila. Lalong dumilim ang kanilang mga mukha. "Kaya ba galit na galit kayo sa akin? Dahil lahat ng binigay sa inyo mapupunta sa akin? Hays, kung may pakialam lang ako sa kumpanya, baka ngayon pa lang tuluyan na kayong walang kuwenta sa pamamahay na 'to." Dagdag kong sabi habang nakatingin sa kanila. Sumandal ako sa aking upuan at taas-noong tiningnan sila isa-isa. "H'wag kang pakakampante, Farrah. Makakahanap din kami ng ikasisira mo kay Dad." Nakangising sabi ni Francis. "Kahit magtulong-tulong pa kayong apat, wala akong pakialam. Alam naman nating lima na ako lang ang paborito ng ating magulang. Gawin niyo ang gusto niyong plano para siraan ako. As if naman may pakialam ako!" Pagkasabi ko 'yun ay nagsimula na akong kumain. Kung sa akala nila, tulad pa rin ako ng dati na laging nagpapaapi sa kanila, nagkakamali silang apat. Hindi na ako bata para hayaan ang kanilang ginagawa sa akin. "Tumatapang ka na, Bunso. Ano na bang maipagmamalaki mo sa amin? 'Yang pagiging spoiled brat mo?" Tanong ni Frederick. Tumawa ako nang mahina. Talaga, pinagtutulungan nila akong apat. "Really, have you ever seen something that I was proud of? Saka muna ako pagsalitaan ng kung ano-ano kapag naipasa mo na 'yung isang subject. Bagsak ka rin, 'di ba? Masyado ka namang nagmamalinis, Frederick!" I insulted him in return. Pinunasan ko na ang aking labi bago tumayo. "Nakakawala ng ganang kumain." Malamig kong sabi bago sila talikuran. Napapangiti na lamang ako habang naglalakad. Hindi ba sila nagsasawang pag-initan ako? Para pa rin silang mga bata, umiiyak dahil mawawalan ng mana. Napatingin ako sa pinto ng bahay dahil nakita ko si Lillian, kausap ang kanyang ama. Tumingin siya sa akin at ngumiti. I just raised an eyebrow at her before going to leave. Naiinis pa rin ako sa kanya at sa Mangubat na 'yon! Pagpasok ko sa aking kuwarto, malinis na. Agad akong humiga sa kama. ano kaya ang magandang gawin ngayon? nakakatamad mamasyal sa mall nang mag-isa. tingnan ko ang mga dapat kong rebyuhin. tinatamad ako. susmeyo, kailan ba ang huli kong review? hindi ko matandaan. May kumatok na naman sa pinto ng silid ko. Ano bang kailangan nila? Nakakainis! "Senyorita, nandito po si Miss Lillian." I got up from bed and opened the door. "What are you doing here, Tabitha!? Malamig kong tanong. "Sabi ni Mrs. Fukuda, magre-review daw tayong dalawa kaya pinapunta niya ako dito." Nakangiti niyang sagot. Tinaasan ko naman siya ng kilay bago hilahin papasok ng kuwarto. "Ikaw na lang ang magre-review. Tinatamad ako!" Sagot ko sa kanya bago muling humiga sa kama. "Galit ka pa rin ba kay Maxima? Hindi naman siya 'yung nagsumbong." Tanong niya habang inaayos ang mga notebook ko sa study table. "Siya lang naman ang puwedeng magsumbong kay Dad. Palibhasa, sipsip!" Mataray at naiirita kong sagot. "Ang totoo niyan, may sasabihin ako sa iyo. Patawarin mo ako, Farrah, sa nagawa ko. Ako 'yung nagsabi sa Daddy mong mababa ang mga grades mo. Tinakot niya ako na kung hindi ko sasabihin, aalisin niya sa trabaho si Papa at si Mama. Patawarin mo ako." Umiiyak niyang paghingi ng tawad sa akin. Seryoso akong nakatingin sa kanya. "Kapag nawalan ng trabaho si Papa at Mama, hihinto kaming lahat sa pag-aaral dahil doon lang sila kumukuha para matustusan ang pangangailangan namin. I'm sorry, hindi ko naman gustong sabihin." Muli niyang paghingi ng tawad. Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. Alam ko ang pinagdadaanan nila, pero damn it! "Tumigil ka na sa pag-iyak. Hindi ako galit. Magre-review ka na lang diyan." Malamig kong sabi bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "H'wag mo sanang sasabihin na ako ang nagsabi. Natatakot ako, Farrah, baka kung anong gagawin niya kay Papa. 'Di bale nang ako ang saktan niya, 'wag lang sila." Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ako. Kita ko ang takot sa mga mata niya. Fvck! "Hindi kita ilalaglag, kaya wala kang dapat ikabahala. Mananahimik lang ako. Hindi ko siya kakausapin tungkol dito." Agad kong sagot bago pinunasan ang kanyang luha. Ngumiti ako para kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Pero ang kalooban ko ay nag-aapoy sa galit. Humanda ka, Freddy Fukuda! Damn you, old man! I've already told you, 'don't involve my friends!' Wala ka talagang sinasantong matanda ka. Tingnan natin ngayon; ibabagsak ko lahat ng subject para lalo kang ma-stress. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD